Placebo – By Howard Pittman

Placebo
by Howard Pittman

Noong August 3, 1979, si Howard Pittman, isang Baptist minister sa loob ng 35 taon, ay namatay habang inooperahan at dumanas ng isang karanasan sa kamatayan. Matapos ipakita ng mga anghel sa kanya ang ikalawa at ikatlong langit, siya ay dinala sa harap mismo ng trono ng Dios na kung saan binigyan siya ng isang mensahe upang ibahagi sa mundo.

Ang mga sumusunod ay halaw sa isang maliit na aklat na Placebo, nanagpapatibay sa kanyang kamangha-manghang kamatayan. Mabibili ang kanyang audio tapes at aklat sa Lake Hamilton Bible Camp store.

——————————————————————————–

Panimula

Ang Webster’s Dictionary ay nagsabi na ang “placebo” ay isang gamot na hinatol para sa higit na kaginhawahan ng pag-iisip ng isang pasyente sa halip na sa tunay na epekto sa kanyang sakit, o isang bagay na para maibsan lamang ang sakit.”

Sinabi ng mga doktor sa amin na kung nalalaman namin na kami ay ginagamot ng isang placebo, hindi ito makakatulong. Sa ating isipan dapat nating isipin na ito ay isang tunay na gamot at mayroong lakas at kapangyarihang magpagaling. Kung ang pasyente ay maniwala rito, ang gamutan ay pinipintong gagawa ng hiwaga sa maraming kaso na hindi mangyayari kung hindi ganoon ang ginawa. Ang gamutan sa pamamagitan ng Placebo, sa katunayan, ay walang sustansya, kundi sa isipan lamang ng tao ito totoo. Upang ang ganitong uri ng gamutan ay tumalab, dapat kumbinsihin ng doktor ang pasyente sa magagawa ng gamutan.

Aking kaibigan, sinasabi ko sa iyo nang tahasan ito ang eksaktong “gamutan” na kalimitang ginagamit ngayon ng mga Kristiyanong sa bibig lamang. Ang doktor na nagsasagawa ng ganitong “gamutan” ay si satanas mismo. Binibigyan niya ang “pasyente” ng isang relihiyong binalutan ng asukal, isang mababaw na karanasan, at bumubulong kalahating katotohanan sa kanyang mga tainga. Pagkatapos ay sinasabi niya sa “pasyente” na ito ay pawang tunay at ito ang lahat ng kinakailangan ng “pasyente”. Ang “pasyente” matapos maloko ni satanas, ay pinaniwalaan ito at nagpapatuloy sa kanyang landas ng kaligayahan sinasabi sa lahat na siya ay pinanganak na muli o na born again, ang kanyang kaligtasan ay tunay, at ang karanasang ito ang lahat ng kanyang tanging kailangan. Pinapayagan ni Doctor satan ang kanyang “pasyente” na patuloy na magtungo sa simbahan, at pinapahintulutan siyang makilahok sa anumang simbahan, ito ay pag-awit, pangunguna sa panalangin, pagtuturo sa mga bata, at maging ang pangangaral. Papahintulutan niya ang “pasyente” na gumawa ng anumang uri ng pangungusap na may kinalaman sa kanyang “pambibig” na relihiyon, hanggang sa punto ng kapangyarihan ng kaligtasan ni Hesus. Oo, pahihintulutan niya ang “pasyente” na gawin lahat at sabihin lahat maliban sa isa. Ang isa na iyon ay hindi niya pahihintulutan ang “pasyente” na ipamuhay ang sinasabi ng kanyang bibig…

Chapter 5: Paghahanda

Noong taong 1978, Ako ay nagretiro mula sa New Orleans Police Department at nilipat ang aking pamilya sa isang sixty-one acre na bukid sa Mississippi. Tinatayang August 7, 1979 Bigla akong tinamaan ng isang grabe at mapangwasak na karamdaman. Isang gabi bago mangyari ang trahedya tulad ng dati nagtungo ako sa aking higaan…Sa paggising ko sa umagang iyon ay bahagyang nasusuka at ipinagliban ang agahan. Tinanong ako ng aking asawa kung ako ay mag-aagahan. Ang sabi ko kinakailangan kong magmadali sa aking pupuntahan sa ilang mga taong inaasahan kong magbibigay ng suporta sa aking pangangampanya bilang kandidato sa pagkasheriff. Lingid sa aking kaalaman na ang Dios ay gumawa rin ng appointment para sa aking noong araw na iyon. Hayaan mong paalala ko sa iyo na sinasabi ng Bibliya na minsan lamang itinakda sa tao ang mamatay at, walang anu-ano, ang aking kamatayan ay dumating. Tulad ng isang kislap ng kidlat, ang pinakamalaking ugat sa aking katawan ay pumutok na nagdulot ng isang pagkawasak, biglang, pagkawala ng dugo…Kaya nang hating-gabi dinala nila ako sa ICU at sa ika- 6:00 a.m. nang sumunod na araw, ang aking mga vital life signs ay bumagsak muli. Ang punong manggagamot ay lumabas ng ICU at sinabi sa aking asawa, “Ito ay mayroon iba pang bagay.” Dinala nila ako sa surgery na kung saan ginawa nila ang karagdagang pitong oras sa pagkukumpuni sa akin…

[For the sake of brevity, a large amount of Pittman’s description of his Emergency Room experience is not reprinted here. Read his book for the full description.]

Sa ilang dako sa oras na iyon nang ang mga manggagamot ay ginagawa ako, dumating ako sa aking sarili kaunawaan at natanto na ako ay mamamatay na…dahil sa nalalaman ko na ang Dios lamang ang makapanunumbalik sa akin ng aking buhay at ang Dios lamang ang makapagpapabago ng aking appointment sa kamatayan, nanalangin ako ng kakaibang panalangin. Ang panalangin ko ay pahintulutan ako ng Dios na makatayo sa harap ng Kanyang trono at makiusap na pahabain pa ang aking buhay sa mundo. Kahit saang oras at lugar ang ganitong uri ng panalangin ay talagang kakaiba, subalit, ang lahat ng ito ay planado ng Dios upang sa bandang huli ay maganap ang Kanyang layunin. Ang kaisipan na manalangin nang ganoong panalangin ay inilagay sa aking isapan ng Banal na Espiritu…

Chapter 7: Ang Dakilang Pamamasyal

Ang mga sumusunod na pangyayari ay lubhang napakadakila na kung saan ang ilang mga tao ay nahihirapang unawain. Hayaan ninyong sabihin sa simula na nalalaman ko ang pagkakaiba ng panaginip, pangitain at ang isang tunay na karanasan. Maaari ko rin bang sabihin na kung hindi ka maniniwala na may satanas at mga demonyo na tunay, nilalang, kung ganoon ginagawan mo ang sarili mo maging ang kaharian ng Dios ng isang dakilang kalugihan. Ito ay tumitindig sa katuwiran na hindi mo nauunawaan o labanan ang kaaway kung hindi ka maniniwala na siya ay tunay.

Sa oras na iyon nilabanan ko si satanas, tumakas siya papalayo sa akin. Ang mga anghel ay naroroon at kinuha nila ang aking espiritu mula sa aking katawan. Ang mga anghel na ito ay naroroon sa buong panahon na ako ay tinutukso ni satanas bagaman hindi ko ito alintana dahil ako ay nasa laman pa. Hindi tinangkang tulungan ako ng mga anghel hanggang ako mismo ang lumaban kay satanas sa pamamagitan ng aking sariling pagpapasya. Ang tanging tulong na aking taglay ay ang makalangit na kapahayagan mula sa Banal na Espiritu na ang tinig na aking naririnig ay galing kay satanas at hindi sa Dios. Nasa aking pagpapasya kung aking susundin o hindi ang tinig.

Nang iangat ng mga anghel ang aking espiritu mula sa aking katawan, dinala nila ako agad sa Ikalawang Langit. Hindi na namin kailangan pang lisanin ang silid na iyon sa ospital upang makapasok sa Ikalawang Langit. Nakapasok kami roon sa loob din mismo ng silid na iyon na kung saan naroroon ang aking katawan, sa pamamagitan lamang ng paglusot sa isang sukat ng dingding. Ito ay isang dingding na hindi kayang pumasok ang laman, espiritu lamang.

Para sa iyo na bumabasa, upang maunawaan ang mga nangyayari, kinakailangan mong maunawaan ang pinaghihiwalayan ng espiritu mula sa laman. Upang malaman kung papaano ito nangyayari, dapat nating maunawaan kung papaano tayo, nasangkapan. Sinasabi ng Bibliya na tayo, bilang mga taong nilalang ay nilalang sa wangis ng Dios. Upang maunawaan ito, kinakailangan nating maunawaan kung ano ang Dios. Sinasabi ng Bibliya ang tatlong bagay na hindi puedeng pasubalian tungkol sa Dios: una ang Dios ay Espiritu, ikalawa ang Dios ay hindi nakikita ng mata at ikatlo ang Dios ay walang kamatayan. Kung tayo ay nalalang sa Kanyang wangis, kung ganoon tayo ay espiritu, hindi tayo nakikita at tayo ay walang kamatayan. Kaya nga kung tayo ay tumitingin sa isang salamin hindi natin talaga nakikita ang tunay na tayo. Nakikita lamang natin ang katawan, o ang makalupang sisidlan, na ating tinitirhan. Yamang tayong lahat ay ginawa sa wangis ng Dios, magiging salaming wangis tayong lahat ng bawat isa kung wala ang ating makalupang, pisikal na mga katawan. Kaya nga binigyan tayo ng isang kaluluwa upang maihiwalay tayo mula sa isa’t-isa upang tayo ay maging individual o katangi-tangi.

Ang mga hayop sa mundong ito ay mayroong isang kaluluwa. Ang tanging kaibahan sa pagitan ng kanilang mga kaluluwa at sa atin ay ang ating kaluluwa ay pag-aari ng espiritu. Ang kanilang mga kaluluwa ay pag-aari o para sa katawan. Kapag ang kanilang katawan ay namatay, ang kanilang kaluluwa ay kasama nitong mamamatay. Kapag ang ating katawan ay namatay, ang ating kaluluwa ay nananatili sa espiritu. Nang ang aking espiritu ay inalis mula sa aking katawan, kasama nito ang aking kaluluwa. Sa aking palagay ang pinakamadaling paraan na makilala ang kaluluwa sabihin natin sa personalidad nito. Ang buong panahon na ako ay hiwalay sa aking katawan nanatili akong individual o isang nilalang, na kung saan, nanatili ang aking sariling personalidad. Nanatili ang lahat ng aking pandama. Sa katunayan, sila ay lubhang malinaw.

Sa aming pagdaloy papasok sa sukat o lagusan sa dingding na iyon patungo sa Ikalawang Langit, nakita ko ang aking sarili sa isang buong kakaibang daigdig, higit na napakalayo mula sa anumang bagay na aking napangarap. Ang daigdig na ito ay isang lugar na puno ng mga nilalang na espiritu sing dami ng bilang ng mga buhangin sa dalampasigan. Ang mga nilalang na ito ay mga demonyo, o mga anghel na ibinagsak, at sila ay nasa libu-libong sukat at anyo. Maging sila na may hawig na hugis at anyo ay nagkakaiba sa kaibahan sa kulay. Marami sa mga demonyo ay nasa anyong tao o hugis at marami ay nasa kalagayang tulad ng mga hayop kahawig sa ating kasalukuyang daigdig. Ang iba ay nasa anyong at wangis napakapangit para isipin. Ang ilan sa mga anyo ay lubhang nakakasulak at nakakagimbal na halos ako ay masuka.

Nang una kong marating ang Ikalawang Langit, nalaman ko kaagad kung saan ako dapat tumungo upang makarating sa Ikatlong Langit kung saan naroon ang Dios. Hindi ko alam kung papaano ko ito nalaman, subalit nalaman ko. Nalaman ko rin na kung nais kong matugunan ang aking panalangin, kinakailangan kong humarap sa Dios Ama sa Ikatlong Langit. Nauunawaan ko na ako ay naglalakbay sa daigdig na espiritual sa ilalim ng pangangalaga ng Banal na Espiritu, at ang mga anghel na nagbabantay sa akin ay gumagalaw din sa pangangalaga ng Banal na Espiritu. Maaring ito ay kamanghamangha sa iyo, mambabasa, na ang mga anghel ay nangangailangan ng proteksyon ng Banal na Espiritu, subalit tandaan mo na kami ay nasa ikalawang Langit. Ang Ikalawang Langit ay ang kasalukuyang lugar na kung saan naroon ang trono ni satanas. Si satanas ay wala pa sa Impierno bagaman ito ang kanyang panghuling kasasapitan.

Ang lahat ng mga espiritu sa daigdig na iyon ay nalalaman ang aming presensya at nalalaman ang bumabalot na pangangalaga ng Banal na Espiritu sa amin. Upang mabigyan ka ng ideya kung bakit kinakailangan ang ganoong proteksyon, hayaan mong magbigay ako ng talata sa Bibliya na ang kapangyarihan ni satanas ay ihinayag sa Ikalawang Langit. Ang ikasampung kabanata sa aklat ng Daniel ay nagsasabi tungkol sa pagsusugo ng Dios ng isa sa Kanyang mga anghel upang maghatid ng isang mensahe kay Daniel. Dahil sa kahalagahan ng mensaheng iyon, ayaw ni satanas itong makarating. Upang makarating ang isinugong anghel ng Dios mula sa Ikatlong Langit patungo kay Daniel, kinakailangan niyang dumaan sa Ikalawang Langit. Isinugo ni satanas ang isa sa kanyang mga prinsepe, o isa sa kanyang mga arkanghel, upang pahintuin ang anghel. Kinakailangang lumaban ng anghel at hindi makatawid mag-isa kaya kinakailangang tumawag ng karagdagang puersa. Kinakailangan ng Dios isugo ang isa sa Kanyang mga prinsepe, o arkanghel, upang tulungan ang mensahero at kahit na ganoon kinailangan pa rin ng dalawaput-isang araw. Matapos madala ng anghel ang mensahe, pinaalalahanan niya si Daniel na siya, ang anghel, ay kinakailangang makipagdigma sa kanyang pagbalik paglagos sa Ikalawang Langit.

Sa aming paglibot sa daigdig na iyon, ako’y lubhang namanglaw na ang aking kasamang anghel ay hindi ako dinala patungo sa Ikatlong Langit na kung saan naroon ang Dios. Bagkus, nagtungo kami sa baligtad na direksyon. Sa aming pagligid sa iba’t-ibang lugar sa daigdig na iyon, natutunan ko ang maraming bagay patungkol sa mga demonyo.

Kakaiba ang mga bagay na ginagawa ko sa kalagayang espiritual kumpara sa mga ginagawa natin dito sa daigdig na pisikal. Halimbawa, hindi kami makikipag-usap sa pamamagitan ng aming mga labi at tainga, kundi, kami ay nag-uusap sa pamamagitan ng aming mga isipan. Ito ay tulad ng pagsasalita sa daloy ng kaisipan at ganoon din ang paraan sa pagtanggap ng sagot. Bagaman maaari pa rin akong mag-isip sa aking sarili na walang pagdaloy o pagpukol, natuklasan ko hindi talaga ito nakakatulong sa akin dahil nababasa ng mga anghel ang aking isipan.

Nakakarinig ako ng iba’t-ibang mga tunog sa daigdig na iyon, subalit hindi sa pagdinig sa pamamagitan ng aking tainga. Nakaririnig ako sa aking isipan, subalit kaya ko pa ring “marinig” ang ganoong mga tinig. Nang kami ay maglakbay, kadalasan kami ay naglalakbay sa tatawagin kong “bilis ng kaisipan.” Kapag kami ay naglalakbay sa “bilis ng kaisipan,” wala kaming nararamdaman na paggalaw. Sinasabi ng anghel kung saan kami maglalakbay at kami ay naroon na kagad. Mayroon ding ibang pagkakataon na hindi ganoon ang paraan ng aming paglalakbay, at namamalayan ko nang husto ang aming paggalaw habang kami ay naglalakbay. Isa sa pagkakataong iyon na nalalaman ko na kami ay naglalakbay nang ibalik nila ako sa pisikal na daigdig at pinahintulutang makita ko ang gawain ng mga demonyo rito. Kami ay naglalakbay dito tulad ng nakalutang sa isang ulap. Tulad nito, nadarama ko ang paggalaw.

Huwag magkakamali patungkol sa mga demonyo sapagkat sila ay tunay na tunay. Higit na maraming pangungusap ang sinabi ng Bibliya patungkol sa mga demonyo kaysa mga anghel at sinasabi sa Luke 10:18 na ang mga demonyo ay masasama. Mark 5:8-9 sinasabi kung gaano karami sila at Matthew 10:1 ipinapakita na sila ay mga marurumi. Matthew 12:21-30 sinasabi na sila ay nasa ilalim ng kapamahalaan ni satanas at Matthew 8:29 ipinapakita na kaya nilang pasukin ang mga tao.

Sa daigdig ng mga demonyo, mayroong pagkakahati-hati ng kapangyarihan tulad ng sa mga sundalo na mayroong straktura o bahagdan ng pag-utos taglay ang mga ranggo at kaayusan. May mga demonyo na may taglay na titolong prinsepe, na siya ang demonyong laging responsable sa isang nasasakupan. Ang isang nasasakupan ay isang teritoryo, isang lugar o grupo na mayroong sukat o bilang mula sa isang kasing laki ng bansa hanggang sa kasing liit ng isang tao. Kapag naglagay si satanas ng isang prinsepe sa isang gawain, ang prinsepe ay binibigyan ng kapamahalaan upang gumawa sa pangalan ni satanas at gamitan ng anumang kaparaanan na kinakailangan o naroroon upang maisakatuparan niya ang kanyang takdang gawain.

Nang sinimulan namin ang aming paglalakbay sa Ikalawang Langit, nagpasimula ang mga anghel sa pamamagitan ng pagpapakita sa akin ng iba’t-ibang uri ng mga demonyo. Ang bawat demonyo ay ipinahayag sa akin sa isang anyo na nagtutukoy sa kanyang pagkadalubhasa, at natuklasan ko agad na walang anumang bagay na tulad ng “panglahatang manggagawa” sa lahat ng daigdig ng mga demonyo. Mayroon lamang silang isang lugar ng pagkadalubhasa na ginagawa nila ng buong husay.

placeb1Chapter 8: Mga Demonyo

Habang itinuturo sa akin ang bawat uri ng demonyo, mabilis kong nalaman ang isang kaayusan o ranggo na mayroon sa kanilang kalagitnaan. Sila na nasa itaas ng kaayusan ay nahayag na tulad sa anyong katulad ng mga tao. Habang kami ay bumaba sa mga ranggo, nakita ko mga demonyo na hugis o nasa anyong tulad ng kalahating hayop-kalahating tao. Nakita ko ang mga demonyong sa anyong tulad ng mga hayop na nalalaman natin sa kasalukuyang daigdig na ito at nakita ko ang mga demonyong sa anyo o hugis na lubhang nakakasulak na hindi mo maaaring isiping ganoon sila.

Sa pinakataas ng kaayusan ay mga mandirigmang mga demonyo na siyang “tampok” sa mga kawal sa kaharian ni satanas. Sila’y pagala-gala sa Ikalawang Langit at laging naglalakbay sa grupo, hindi nag-iisa. Kung saan sila pupunta, ang iba pang mga demonyo ay tumatabi paalis sa kanilang daraanan. Itong mga mandirigmang demonyo na ito ay ipinahayag sa akin sa kalagayan na tulad ng mga tao. Sila’y mukhang mga tao na ang pagkakaiba lamang ay higante sila. Sila ay mukhang walong talampakan ang taas, sila ay matipuno at magagandang lalake ang pagkakagawa, tulad ng mga higanteng manlalaro. Lahat ng mga mandirigmang demonyo ay kulay tanso. Sila’y mga higanteng, tansong sundalo. Ang lahat ng iba pang mga demonyo ay tila napapa-ilalim sa kanila.

Ang ikalawa sa pinakamakapangyarihang demonyo ay nahayag din sa akin sa anyong tao at ang mga demonyonng ito ay mukhang pangkaraniwang tao. Lahat sila na naririto sa lugar na ito ng pagkadalubhasa ay tila baga nasa grupo, sama-sama at ikalawa sa mga tagapamuno. Ang pinaka namumuno sa grupong ito ay ang demonyo ng kaswapangan o ‘greed’ at nilalaman din ng grupong ito ang mga placeb2demonyo ng muhi, pita ng laman, hidwaan, at iba pa.

Ang ikatlo sa pinakamakapangyarihang uri at grupo ng mga demonyo ay nahayag sa akin sa magkahalong mga hugis at anyo. Ang ilan ay may taglay na parang tao habang ang iba naman ay kalahating tao at kalahating hayop ang mga anyo. Ang iba ay mistulang mga hayop ang kanilang mga anyo. Ang mga demonyong ito ay nagtataglay ng mga kahusayan sa madilim na sining tulad ng pangungulam at iba pang bahagi na may kinalaman dito. Kasama rin sa grupong ito ang mga demonyo ng takot at mga demonyo ng pagwasak ng sarili maging ang ganoong mga demonyo na mahusay manggaya ng mga espiritu ng pumanaw na tao (mga espiritung pamilyar) at sa paghahayag ng kanilang mga sarili sa pisikal na daigdig bilang mga multo.

Nang kami ay bumaba sa ika-apat na grupo, o kaayusan, lahat ng mga demonyo sa ranggong ito ay nahayag sa mga anyo bukod pa sa anyong tao. Ang ilan ay may taglay na tulad ng mga kilala nating mga hayop habang ang iba naman ay hindi mawaring anyo. Sa loob ng grupong ito ay mga demonyo ng pagpatay, kalupitan, karahasan, at ang iba pa ay may kinalaman sa pagkatay.

Habang sa pagpapatuloy pa namin sa pagbaba sa kaayusan patungo sa dulo ng tanikala ng kapangyarihan, ang lahat ng mga demonyo ay nahayag sa nakapangingilabot at nakakasulak na mga anyo. Ang ilan ay lubhang nakakasulak na ang kanilang anyo ay nakapagdudulot na pagsusuka. Sila ay labis na kinamumuhian maging ng kanilang mga kasamahan na sila ay tila baga pagala-gala sa kanilang mga sarili sa Ikalawang Langit at maging dito sa pisikal na daigdig. Hindi sila nakikisalamuha sa iba pang mga demonyo maliban na lamang sa larangan ng kanilang gawain.

Mayroong ibang mga grupo ng demonyo na nagawa kong makita, subalit hindi ko maalala ang higit sa kanilang kakayanan. Ito ay kusang inalis mula sa akin habang hindi ako pinahihintulutan malaman o mapanatili sa akin ang higit na alaala tungkol sa kanila. Hindi ko alam ang kanilang ranggo sa kaayusan at ang kanilang mga anyo ay hindi nahayag sa akin. Hindi ako tiyak sa lawak ng kanilang nasasakupan ng kanilang pagkadalubhasa, Ganun pa man, bahagya kong nalalaman ang kanilang kapangyarihan sa paggupo sa laman. Tila baga na itong misteryosong grupo ng mga demonyong ito ay gumagawa ng kakaiba mula sa lahat ng iba pang mga demonyo at ginagamit lamang sa mga espesyal na pagkakataon at espesyal na situasyon na kung saan ay hindi ko lubos na nauunawaan. Tulad ng sinabi ko, hindi ako pinahintulutan panatiliin ang higit sa aking alaala patungkol sa uri ng grupo ng mga demonyong ito. Ako’y pinahintulutan lamang na manatili sa aking alaala ang bahagyang iyon na kung saan ay iniuulat ko sa iyo at heto, sa ganang ito, ay placeb3lubhang hindi malinaw.

Batid ko sa aking kaalaman na ang mga partikular ng mga demonyong ito ay mas mahirap labanan kaysa sa iba. Tila baga na ang kanilang dakilang lakas ay nakasalalay sa kanilang kakayanang manatiling kubli sa kanilang gawa sa buhay ng isang tao. Kasama sa grupong ito ay ang isa na may kakayanang ipakita ang kanyang sarili tulad ng isang anyo ng epilepsi sa isang tao. Hindi ko tiyak subalit tila naaalala ko na ang ilang mga demonyo sa ibang mga grupo ay mayroon ding kakayanan na gayahin ang epilepsi. Hindi ko alam kung ang mga demonyo ang dahilan ng epilepsi, subalit malinaw kong naaalala na kaya nilang gayahin ang ganitong kalagayan sa mga tao.

Sa isang tagpo sa aming paglalakbay sa Ikalawang Langit, minasdan ko ang mga demonyo sa loob ng kanilang kauring grupo at naranasan ko ang isang masamang pakiramdam. Ito ay isang nakakagulo, nakakasikil, at nakakasulak na pakiramdam. Ang pakiramdam na ito ay madaling dumating sa akin matapos akong makapasok sa Ikalawang Langit at namamangha ako kung ano ang sanhi nito. Ito ang oras na nalaman ko na kayang basahin ng anghel ang aking isipan dahil sinabi sa akin ng bantay kong anghel, “yang pakiramdam na iyong pinagtatakahan ay sanhi ng katotohanan na walang pag-ibig sa lugar na ito.” Sinasabi sa akin ng anghel na rito sa Ikalawang Langit walang kahit katiting na pag-ibig! Wow! Kaya mo bang isipin ang lahat ng mga demonyong iyon na naglilingkod sa isang panginoon na hindi nila iniibig at ang panginoon na namumuno sa mga nilalang na ito na hindi niya iniibig? Grabe pa rito, itong mga magkakasama na gumagawang sama-sama na pang walang hanggan at wala silang pagmamahal sa isa’t-isa.

Nagpasimula akong magmuni-muni kung ano ang tawag sa Unang Langit ng ating pisikal na daigdig, kung wala itong pag-ibig. Kung hindi ipinakilala ng Dios ang Kanyang pag-ibig sa ating daigdig, kung nagkaganoon mamumuhay tayo sa isang walang pag-ibig na kalawakan tulad ng Ikalawang Langit. Sa pamamagitan ng pagbibigay sa ating ng Dios ng Kanyang pag-ibig, nagagawa nating ibalik ang pag-ibig na iyon at pagkatapos mahalin ang bawa’t-isa. Naiisip mo ba kung ano ang tulad sa iyong sariling tahanan o lugar kung ito’y sakdal na pinagkaitan ng pag-ibig?

Nang malaman ko ang katotohanan na walang pag-ibig na namamagitan sa mga demonyo, lalo ko pang pinagtatakhan ang kanilang pagsusumikap at pagmamalasakit. Ano ang nagtutulak sa kanila upang gumawa ng sobrang hirap? Ano ang nagtutulak sa kanila para isagawa ang mga utos na napakatulin? Hindi nila mahal ang isa’t-isa, subalit isinasagawa nila ang mga utos na ito na napakatulin at taglay ang pagpupunyagi na kahit na sinong samahan ng mga sundalo sa Mundo ay magmamapuri na magkaroon ng ganoong katatapat at masunuring mga kawani. Nagtataka ako kung ang kanilang kasipagan ay may kinalaman sa kanilang kahatulan at sa sentensya na naghahantay sa kanila. Tila baga na mula nang una silang mag-aklas maraming panahon na ang lumipas habang sila ay nasa Ikatlong Langit, nakarating sila sa isang lugar sa kanilang kalagayan na kung saan ay hindi na sila puedeng mag-aklas. Anuman itong nagtutulak sa kanila ay tila nagtatagumpay sila sa kanilang kalagayan habang sila, sa kabilang banda, ay nagpapahayag ng kanilang bagsik laban sa tao. Maaaring ito lamang ang tanging kaluguran ng kanilang buong pagkalikha na gumawa ng kapanglawan laban sa tao. Bagaman ako ay pinayagang humayong kasama sila at matyagan sila habang sila ay gumagawa, maraming mga bagay ang hindi ipinaliwanag ng lubos o binigyang linaw sa akin. Ilang mga bagay sa aking nakita sa kabuoan, hindi pinayagang manatili sa aking alaala. Nalaman ko ikinaiinis ng mataas na kaayusan ng mga demonyo ang aking presensya at malamang na nilabanan ako kung hindi lamang ako nasa ilalim ng pangangalaga ng Banal na Espiritu. Isa sa mga mandirigmang demonyo ang humarap sa akin at gumiri sa aking mukha, subalit hindi ako natigatig dahil hindi ako takot. Alam ko ito na hindi ako ang kakalabanin niya kundi, Siya na nagdala sa akin, ang Banal na Espiritu. Ang mga demonyo sa gitnang kapangyarihan o kaayusan ay parang lubos akong hindi pinapansin at patuloy na gumagawa sa kanilang gawain na parang wala ako roon. Sila na nasa mas mababang kalagayan ay parang nagpapakita ng bahagyang pagkatakot sa akin o sa anghel na nagbabantay sa akin, ganunpaman, ang mas matataas na ranggong mga demonyo ay walang takot sa akin o sa anghel.

Pinaalam sa akin ng aking bantay na nais niyang makita ko ang isang demonyo sa aktual na sumasanib sa isang tao. Sa puntong ito ng aming paglalakbay, muli akong sinamahan pabalik papasok sa sukat sa dingding na pinaghihiwalayan ng Ikalawang Langit mula sa pisikal na daigdig. Nang muli kaming bumalik sa daigdig na ito, naroroon kami sa parehong ospital na kung saan naroon ang aking katawan subalit sa ibang silid. Ang silid ay tila baga kainan ng mga empleyado. Nakita ko ang mga mesa, mga upuan, mga pinggan na may pagkain, at sa loob ng silid ay mayroong isang batang lalake at batang babae na magkaharap habang nagtatawanan at nag-uusap. Lubhang halata na hindi nila nakikita ang mga anghel, pero ako’y napakalapit sa kanila halos maabot ko na sila at mahipo. Naririnig ko at nauunawaan ang bawat salita na kanilang sinasabi. Ang akala nila ay sila lamang dalawa roon at habang sila ay tumatawa at nag-uusap, hindi nila namamalayan ang isang nakakatakot na nilalang nakatayo sa pagitan nila. Ang demonyong ito ay lubhang nakakatakot sa itsura ng kanyang hugis at porma na anupa’t nakilala ko siya agad na nagmula sa mababang uri ng mga demonyo, ang grupong mahahalay. Ang mga anghel, ang mga demonyo, ako na nasa kalagayang espiritu sa loob ng silid na iyon at mulat sa bawa’t bagay na nangyayari. Sila na nasa laman ay mulat lamang sa kanilang mga sarili sapagkat hindi nila kami nakikita o naririnig man kahit pa na kami ay bumalik sa pisikal na daigdig na ito. Yamang kami placeb4ay nasa kalagayang espiritu, nakakapag-usap pa rin kami sa pamamagitan ng aming mga isipan.

Hindi ko naman talaga masyadong pinakikinggan ang mga salita na sinasabi ng dalawa. Ang buo kong atensyon ay nakatuon sa demonyo. Siya ay may isang nakapangingilabot na itsura, nagpapaalala sa akin sa isang napakalaki, siksik, madulas, berdeng palaka na wala sa tamang sukat ang bawat galamay. Siya ay dahan-dahang umakyat sa mukha ng lalake pagkatapos, biglang, tulad ng isang tipak ng usok, para siyang nawala papasok sa kanyang mukha, na parang pumasok siya sa bawat butas ng kanyang balat. Nang pumasok ang demonyo sa lalake, sinabi ng mga anghel, “Ngayon tapos na ito.” Pagkatapos nagpatuloy ang anghel na sabihin sa akin kung papaano ang taong ito ay nasaniban. Sinabi niya, “Ginawa ng demonyo na siya ay kaakit-akit at nakakabighani sa tao.” Pagkatapos itinuro sa akin ng anghel na ang sangkatauhan ay mayroong isang malayang pagpapasya, lahat ay sa kanya, na kung saan higit dito ang mga demonyo ay hindi makakalapit. Itinuro niya rin sa akin na ang mga anghel ay hindi makalalapit lagpas sa malayang pagpapasya ng tao. Ang Dios mismo, ay hindi sasangsalain ang pagpapasyang iyon. Lahat tayo ay nilalang sa wangis ng Dios, kaya nga, binigyan tayo, tulad ng Dios, isang malayang pagpapasya, ang karapatang piliin ang ating kasasapitan. Hindi ipinahintulot na manatili sa aking alaala ang lahat ng aking natutuhan sa mga pangyayaring ito.

Bahagya kong naalala na mayroon pang ibang proseso sa ilalim ng ipinagkaloob na mga situasyon na kung saan ang mga demonyo ay maaaring kamtin o pahintulutang pumasok sa maliliit na bata. Tila baga na parang ang mga demonyo mula sa misteryosong grupong iyon ang pinahintulutang gumawa nito. Mula sa aking naaalala tungkol dito, ito ay nangyayari lamang sa isang lubhang pambihirang situasyon. Ayon sa sinabi sa akin ng mga anghel, mahigit sa syamnapung pursyento ng lahat ng mga kaso na ginagawa ng mga demonyo sa sangkatauhan ay itinakda lamang sa kanila na ang gulang ay higit na sa edad ng may pananagutan.

Habang ibinibigay sa akin ng anghel ang mga ito sa aming pag-uusap, binigyan diin niya na ang lahat ng mga anak ng Dios ay binigyan ng kapangyarihan sa lahat ng mga demonyo at palayasin sila, subalit, ang kapangyarihang ito ay nakabatay sa pananampalataya ng Kristiyano. Mangyayari lamang ito kung alam ng Kristiyano na walang alinlangan ang kanyang ginagawa. Mayroong ilang mga Kristiyanong nakatanggap ng espesyal na kaloob sa bagay na ito. Sila yaong partikular na tinawag ng Banal na Espiritu sa ministeryo ng pagpapalaya at sa halos lahat ng kaso, yaong mga tinawag sa ministeryo ng pagpapalaya ay tumaggap din ng kaloob sa pagkakilalan ng espiritu. Kapang pinapalayas ng isang tao ang mga demonyo, lubhang mahalaga na malaman kung anung espiritu ang kanyang kinakatunggali. Sa mga bibihirang kaso na kung saan ang mga bata ay nasasapian [hindi na bibihira mga kasama…ilan sa mga bata ngayon ay may sapi dahil sa pagbubukas ng mga pinto sa mga kaaway], Kinakailangan ito ng espesyal na pagkilos at makalangit na pananaw sa bawat kasao upang sila ay mapalaya. Ang ganoong kaso ay napa-ulat sa Bibliya sa Matthew 17:14-21. Ang lahat ng mga Kristiyano ay may potensyal na kakayanang magpalayas ng mga demonyo.

Ang aking bantay ay nagsabi sa akin na nais nilang ipakita sa akin ang gawain ng demonyo sa labas ng mundo. Inilabas ako sa ospital derecho sa pader patungo sa mga kalye sa lungsod. Ako’y namangha habang pinapanood ko ang lahat ng mga ginagawa ng mga tao sa pisikal na daigdig. Nagtutungo sila sa kanilang pang-araw-araw na inaapuhap, lubos nilang hindi nalalaman na sila ay sinusundan ng mga nilalang mula sa espiritual na daigdig. Ako’y lubhang natigilan sa pagkamangha habang napanood at nahintakutan habang nakita ko ang mga demonyo sa lahat ng hugis at anyo habang sila ay gumagawa ng gusto nila sa mga tao.

Habang nauunawaan ko ang tungkol sa mga demonyo na walang magagawa sa buhay ng isang tao laban sa kanilang pagpapasya, natutunan ko na ganoon din ang mga anghel. Bawat isang ‘born again christian’ ay may isang tagapagbantay na anghel at bago matapos ang buhay ng Kristiyanong iyon, maaaring kailanganin ang napakaraming mga anghel upang siya ay maingatan. Natutunan ko na ang mga tagapagbantay na mga anghel ang nakikipaglaban para sa atin, subalit hindi sila makakalaban sa lugar ng ating kapasyahan. Ang pakikipaglaban na kanilang ginagawa ay tila pagtatanggol sa mga bagay na hindi natin nakikita o ‘blind side’. Nilalabanan nila ang mga demonyo kapag ang mga demonyo ay sumalakay laban sa atin labas sa lugar ng ating kapasyahan. Hindi nila maaaring labanan ang mga demonyo kapag ang mga demonyo ay sumalakay sa atin dahil sa ating sariling kapasyahan. Alalahanin, tayo ay nilalang sa wangis ng Dios, tulad ng Dios, mayroon tayong isang malayang pagpapasya. Snake_Depression

Natutunan ko na ang mga demonyo ay lalaban sa mga anghel kung kinakailangan, subalit mas pinipili nilang hindi gawin ito. Nakikita nila na mas madali at ligtas na wasakin tayo sa pamamagitan ng ating sariling pagpapasya na kung saan ang mga anghel ay hindi nakapanghihimasok, kaysa pumunta sa labas ng ating pagpapasya na kung saan kinakailangan nilang personal na labanan ang mga anghel. Dahil dito, nahasa ng husto ng mga demonyo ang kanilang mga kakayanan sa larangan ng panlilinlang. Gumagawa sila sa ating buhay sa pamamagitan ng pandaraya at panlalansi at pinapanatili tayong mangmang sa kanilang mga gawain.

Itinuro sa akin ang katotohanan na hindi lahat ng mga demonyo ay nasa Ikalawang Langit. Mayroon ilang mga demonyong napakalakas na sila ay nakareserba na nakatanikala sa Impierno. Gayunpaman, si satanas at ang kanyang hukbong mga demonyo ay wala sa Impierno, sa kasalukuyan. At ayaw din nilang mapunta roon. Hindi ako pinahintulutang tumingin sa Impierno, maging ang mga nakatanikalang mga demonyo. Nalalaman ko na itong mga demonyong ito na nakatanikala ay lumabag sa kanilang mga limitasyon ng mga nasasakupan.

Ang Dios sa Kanyang karunungan ay pinahintulutan si satanas at ang kanyang mga demonyo ng ilang hangganan o limitasyon na kung saan maaari silang gumawa. Hindi sila maaaring lumagpas sa mga limitasyon na itinakda ng Panginoon, ganunpaman, yaong mga demonyo na nakatanikala sa Impierno ay ginawa ang ganoon. Dahil sila ay lumagpas higit sa ipinagbabawal na itinakda ng Panginoon, sila ngayon ay nakatanikala sa Impierno.

Itinuro ng Bibliya ang katotohanang ito sa maraming lugar, lalo na sa aklat ng Hudas. Sa tuwing lumalagpas si satanas sa mga hangganan, kinakailangan munang humingi ng permiso sa Dios. Sa kaso ni Job, pinahintulutan siya, subalit sa kaso ni Pedro hindi siya pinahintulutan. Ang mga demonyo na gumagawa sa mga bata na wala pa sa hustong edad ay pinahintulutan lamang matapos mapagbigyan sa isang espesyal na pahintulot. [Maaari ko ring idagdag na ang isang “legal” na pintuan ay nabuksan sa pamamagitan ng ilang uri ng kasalanan o mga kasalanan na nagbigay sa mga demonyo ng karapatang sa unang pagkakataon…] Hindi ito ipinaalam sa akin ng madali kung anung uri ng sirkumstansya ang naroon upang pahintulutan ng Dios, bagaman ginawang malinaw na sa ilang mga pagkakataon o sirkumstansya ang pahintulot ay ibinibigay. Ganun pa man, ang permiso upang gumawa sa mga bata sa ilalim ng edad na may pananagutan na ay bibihirang pinahihintulutan. [Magmasid sa paligid simula ng makuha niya ito, nagbago ang mga bagay mga kaibigan, ang mga pintuan ni satanas ay nabuksan…kalimitan sa pamamagitan ng mga magulang.] Kadalasan hindi pinahihintulutan si satanas sa ganitong espesyal na pahintulot, subalit sa mga huling araw na ito makakaasa tayo ng isang dagliang pagtaas ng mga gawain ng mga demonyo, hindi lamang sa mga may edad kundi ganun din naman sa mga bata. Ang pagtaas na ito ng gawain ng mga demonyo ang ibinababala sa atin ng Panginoon sa Mark 13:22 nang Siya ay nagsalita tungkol sa mga nakamamanghang kababalaghan na gagawin ng mga bulaang propeta sa mga huling araw. Mahirap unawain kung bakit pinahintulutan ng Panginoon ang mga demonyo na gumawa sa pamamagitan ng mga bata…

Ang mga demonyong naka reserba sa mga tanikala ay hindi naka kuha ng ganitong pahintulot para sa kanilang gawain na sumangsala sa mga hangganan na itinakda ng Panginoon. Ang kanilang mga illegal na gawain ay nakasulat sa Genesis 6:2-5. Dahil hindi sila nakakuha ng pahintulot, daglian silang tumanggap ng kaparusahan. Ang itinakdang kaparusahan sa diablo at sa kanyang mga demonyo ay nakalaan para sa huling-oras at nakasulat sa Revelation 20:1-3. Habang maigi ninyong nauunawaan, ang lawa ng apoy ay ginawa para sa diablo at sa kanyang mga demonyo na kanilang pangwalang hanggang kasasapitan.

Sa panahong ito dapat tayong mapagbantay laban sa mga nag-aapoy na palaso ni satanas, panlilinlang at tukso na pinahintulutan sa loob ng mga hangganan na ni loob ng Panginoon. Mayroong itinakdang oras na nilagay ang Panginoon na kung saan maaaring gumawa ang mga demonyo, subalit ang oras na iyon ay hindi pa natatapos. Bilang mga Kristiyano hindi natin sila kayang “igapos” sa ilalim ng kapamahalaan ni Hesus, gayun pa man, hindi ito permanente. HINDI pa natin sila kayang itapon sa IMPIERNO sapagkat ang Dios lamang ang makagagawa nito. Kaya lubhang mahalaga para sa mga taong bagong napalaya na maayos na maturuan na manatili sa kalooban ng Panginoon, kung hindi masasaniban silang muli. MAAARING palayasin ng isang Kristiyano ang mga demonyo sa isang taong di ligtas, subalit maliban na taong iyon ay maligtas at manatili sa kalooban ng Panginoon, mayroong posibilidad na bumalik sa kanya ang mga Angel_Wardemonyo. [See Matthew 12:43-45].

Ang mga demonyo ay tunay, indibidual, mga espiritung nilalang at sila ang mga kumikilos sa lahat ng mga kasamaan sa mundo ngayon. Ito ay ipinakita sa akin habang ako ay nasa espiritual na daigdig naglalakbay sa lansangan ng isang lungsod at pinagmamasdan may pagkagulat habang ang mga demonyo ay humahayo upang gawin ang kanilang mga tungkulin na wasakin ang mga tao.

Bagaman ang mga tao ay mga espiritung nilalang, tayo ay nailagay sa mga pisikal na katawan. Ang dakilang digmaan espiritual na nagaganap ngayon ay sa pagitan ng “espirito ng tao” at ang mga “kapangyarihang espiritual” ng kasamaan na pinangungunahan ni satanas na nakikibaka para sa paghawak at pagmamanipula ng ating makalamang, pisikal na katawan. Ang ating mga espiritu ay lumalaban sa pamamagitan ng pananampalataya at sa pamamagitan ng ating malayang pagpapasya; habang ang diablo at ang kanyang mga [nahulog] na anghel ay lumalaban sa pamamagitan ng panlilinlang, pandaraya, panloloko, at pagtukso. Hindi ka dapat magkamali patungkol sa labanang ito o sa mga sandata nauukol dahil ang mga kasulatan ay malinaw. Aktual na nakita ko mismo ang mga demonyong ito na nakikibaka upang panghawakan o kontrolin yaong katawan ng tao.

Maaring ito para sa iyo na ang sangkatauhan ay malawakang higit na gupo o talo ng mga espiritong ito dahil ang mga espiritong ito ay nakakakita at nakakarinig ng lahat ng bagay na ating naiisip, sinasabi, at ginagawa; habang tayo ay lubos na walang kakayanang na maunawaan o makita ang anuman sa kanilang mga gawain. Napakahirap itong labanan na ang isang kaaway na hindi mo nakikita, naririnig, at nararamdaman, subalit habang ikaw ay nagtitiwala sa Panginoon, walang kang dapat ikatakot. Sa ilang pagkakataon, kahit na ang pinakamatibay na Kristiyano ay maaaring mag-alinlangan sa kanilang presensya at mga gawain, anupat nagiging lalong madali ito para sa kanila. Gayunpaman, hindi hinayaan na ang tao na walang laban. Yamang nilalang sa wangis ng Dios, ang tao, tulad ng Dios, ay may malayang pagpapasya at walang anumang espiritu ang makakasansala sa ganoong pagpapasya kung walang pahintulot ang mismong tao. Dahil dito, ang mga demonyong ito ay nakalikha ng mga dakilang kakayanan sa panloloko. Ang pangunahing prinsipyo ng kanilang mga operasyon ay gumawa ng anumang masama na kaakit-akit, maganda, at hindi-nakakatakot hanggat maaari upang ang tao na tinutukso ay magbababa ng kanyang bakod at tanggapin kung anumang ito na ginagamit na makapagdudulot ng KASALANAN. Kapag ang isang tao ay naloko, mas madali itong panatiliing sa ganoong kalagayan. Sa kaso ng pagsapi ng demonyo, mas madali ito para sa demonyo na panatiliin ang kanyang kontrol.

Isa pang dakilang pagsanggalang na taglay ng tao ay ang tagapagbantay na anghel. Ang tagapagbantay na anghel ay hindi nakatalaga sa lahat ng tao, kundi doon lamang sa kanila na “ligtas at para sa Dios.” Tandaan, tulad din ng mga demonyo ang tagapagbantay na anghel ay hindi maaaring sansalain ang kapasyahan ng sinumang tao na kung saan ang kalimitang kanyang ginagawa ay nakatalaga sa pangangalaga ng taong iyon na hindi malayang nagpasya. Ang pinakadakilang sandata ng tao, ganunpaman, ay ang Salita ng Dios. Sa kanyang pagsasalarawan ng mga sandatang ginamit sa ating espiritual na pakikibaka, giniit ni Pablo ang Salita ng Dios [Ephesians 6:11-18] bilang tanging sandatang taglay ng sangkatauhan sa pag-atake. Kahit na mas marami ang mga nilalang na ito [libu-libo demonyo sa isang tao], sapat ang tao sa kahandaan sa digmaan. Dahil sa isang malayang pagpapasya, ang mga anghel na mga nagbabantay, at ang Salita ng Dios, ang tao ay mayroong higit na mas mainam na depensa at mas higit na kapangyarihan sa digmaan para sa kanyang kaluluwa kaysa sa mga demonyo.

Kaya nga, sinasabi ko sa bawat isa – kung ikaw ay siryoso sa iyong pagtatalaga sa pakikipaglaban sa digmaang ito at manalo, huwag kang matakot! Ang iyong pinuno-ng-hukbo, guro, manggagamot at pagbibigay lakas – ang Banal na Espiritu – HINDI ka iiwan at HINDI ka pababayaan.

placeb5Chapter 9: Ang Daan Pauwi sa Tirahan

Nang magpasya ang mga anghel na marami na akong nakitang patungkol sa mga demonyo at sa kanilang gawain sa pisikal na daigdig na ito, ako’y muling ibinalik sa Ikalawang Langit sa pamamagitan lamang ng paglusot sa partisyon, dimension wall o sukat sa dingding. Nang nakabalik na ako sa loob ng Ikalawang Langit, ginabayan ako ng aking bantay sa direksyon patungo sa Ikatlong Langit at sa wakas ako’y muling nagalak. Matapos ang lahat, ito naman talaga ang nais kong puntahan sa lahat ng pagkakataon. Maging sa estadong ito, ang aking pisikal na buhay pa rin ang pangunahin kong inaalala.

Walang kaginsa-ginsay dumating kami sa isang napakagandang lugar. Nalalaman ko na naiulat ko na kung gaano kasama iyong Ikalawang Langit, kaya iyong maiisip kung gaano kapana-panabik na makita ang anumang bagay na maganda roon sa lugar na iyon. Hindi ipinahintulot ng Dios na manatili sa aking alaala kung bakit ang lugar na ito ay ubod ng ganda. Naaalala ko lamang na ito ang pinakamagandang lugar na aking nakita. Ang lugar na ito ay tila baga isang lagusan o tunnel, isang daanan, isang lambak o tila baga daanang pangmatulin. Ito ay may taglay na napakamaning-ning na liwanag sa lahat sa kanyang sarili at lubusang napapalibutan ng di nakikitang tabing. Alam ko na ang di nakikitang tabing ay ang proteksyon ng Banal na Espiritu.

Sa paglalakad sa lagusang ito, o sa tabi ng daanang iyon, o lambak, o anuman, ay may nakita akong tila baga mga taong nilalang. Tinanong ko ang aking bantay kung sino sila. Sinabi niya sa akin, “Sila ang mga binanal pauwi sa tahanan.” Sila ang mga pumanaw na espiritu ng mga Kristiyano na namatay sa Daigdig at sila ay papunta sa tahanan. Bawat isa sa mga binanal na ito ay sinasamahan ng isa o higit pang tagapagbantay na anghel at ang ilan ay may taglay na isang hukbo ng mga anghel kasama sila. Nagtataka ako kung bakit ilan sa mga binanal ay isa lamamg anghel at ang iba ay marami. Ako’y nagmamatyag habang ang mga binanal ay dumaraan sa daraanan na ang lahat ng mga binanal ay kinakailangang dumaan upang makarating sa tahanan. Narito ito, ang daanan mula sa Daigdig patungo sa Ikatlong Langit. Nasumpungan ko na yaon lamang na “autorisado” o pinamahalaanng mga espiritu ang pinahintulutan sa loob ng lagusang iyon. Walang demonyo ang pinahihintulutan doon.

Nang matapos magpaliwanag sa akin ng aking bantay tungkol sa pabalik na paglalakbay ng mga binanal. Nagpasimula ako sa loob ng lagusan. Pinigilan ako ng anghel at sinabi sa akin na kami ay maglalakbay sa gilid lamang ng lagusan at hindi sa loob nito. Kaya ako ay naglakbay, paayon sa labas ng lagusan na kung saan naroroon sa loob ang mga binanal. Habang kami ay naglalakbay paayon sa lagusan, hindi kami gumalaw sa “bilis ng isip.” Bagkos, naglakbay kami tulad ito ng paglutang sa ibabaw ng isang ulap. Sa ibang mga salita, walang ulap subalit ang tulad ng paglalakbay ay may pakiramdam na tila baga nakalutang sa isang ulap.

Sa lahat ng pagkakataon nakikita ko ang mga binanal na patuloy na dumadaloy sa loob ng lagusan. Sila ay nasa anyo at hugis ng mga tao, subalit hindi ko makita kung anung lahi, edad, o kasarian. Magkakatulad ang kanilang mga kasuotan na tila baga yari sa dalawang piraso. May pang-itaas na damit o kamiseta at isang pares ng pambaba o pantalon. Ang kulay ng mga kasuotan ay maliwanag na kulay, pambatang asul na mayron isa sa piraso ng kasuotan na may kaputlaan kumpara sa isa pang piraso. Ang pagka-asul ay napakaputla na halos kulay puti. Nalaman ko na ang mga binanal na ito na aking pinagmamasdan ay hindi pa nakatatanggap ng kanilang maluwalhating katawan dahil kinakailangang antayin iyon hanggang sa unang muling pagkabuhay.

Nang una ako ay bigo na hindi napahintulutan na maglakbay sa loob ng lagusan kasama ng mga binanal, subalit ang kabiguan ay naglaho nang sabihin sa akin na kami ay magtutungo rin sa lugar na kanilang pinupuntahan. Matapos ang lahat, alam ko na kung ang aking pisikal na buhay ay dugtungan, haharap din ako sa Dios. Kahit ngayon, ang aking pisikal na buhay ang siya pa ring pinakamahalagang bagay sa akin.

Sa aming pagsabay sa paglalakbay, napansin ko sa aking paligid na ang mga demonyo ay nagpapasimulang sumunod sa likuran. Ang mga tarangkahan ay nagpasimulang matanaw at sa aming paglapit sa mga tarangkahan, siya namang paglayo ng mga demonyo. Nang kami ay makarating sa harap ng mga tarangkahan ay wala roong mga demonyo sa paligid. Bagaman ang mga Tarangkahan ng Ikatlong Langit ay bukas patungo sa Ikalawang Langit, walang demonyo ang makalapit.

Sa halip na pahintulutan akong makapasok, nilagay ako ng anghel sa harap ng mga Tarangkahan o gates, bahagya sa isang tabi. Binilinan niya akong manatili roon at tignan habang ang mga binanal ay pinapahintulutang makapasok sa Langit. Habang ang mga binanal ay pinahintulutan makapasok sa loob ng Langi, napansin ko ang isang kakaibang bagay. Sila ay pinahihintulutan lamang makapasok isa-isa. Walang dalawang magkasabay ang pinahihintulutan makapasok ng sabay sa loob ng mga Tarangkahang iyon. Nagtaka ako sa bagay na ito subalit hindi ito naipaliwanag sa akin. Madalas kong inaral ito simula nang ako ay bumalik at ngayon naisip ko na kung bakit. Ang pananampalataya ko, ito ay isang parangal o pagpupugay sa isang tao. Matapos ang lahat, ang taong iyon ay gumawa ng pagpili sa pamamagitan ng kanyang malayang pagpili. Tandaan, itinuro ito sa akin ng mariin na tayo, bilang mga larawan ng buhay na Dios, ay may taglay na malayang pagpili na kung saan mayroon tayong karapatang pumili para sa ating sariling kasasapitan.

Habang ang mga binanal ay pinapapasok, namamangha ako kung bakit hindi ako pinahintulutan na gawin ang bagay na aking sinadaya upang gawin. Lubha akong nainip para sa aking kahilingan masabi sa harap ng Dios na hindi ko naunawaan ang kubuoang punto ng aking nakita. Ang puntong ito ay napakahalaga na ang Banal na Espiritu mismo ang nagsabi sa akin. Nakita ko ang limampung binanal na pumasok sa Langit, subalit ang punta na hindi ko nakita ay ang oras na ginugol dito. Ipinaliwanag ito sa akin na ang limampung binanal na iyon ay sabay-sabay na namatay sa Daigdig, 1,950 iba pang katao ang namatay din; o 50 lamang mula sa 2,000 ang nakapasok sa Langit. Na ang 1,950 ay wala roon. Nasaan sila? Iyon ay 2 ½ percent lamang ang tumungo sa Langit! Siyamnapu’t pito at kalahating punto ang hindi nagawang makapasok! Iyon ba ang kalagayan ng buong mundo ngayon? Kung ganoon, 97 ½ percent ng populasyon ng mundo ngayon ay hindi handang humarap sa Dios. Ang malungkot na bahagi, aking kaibigan, ito ang eksaktong kalagayan ng kasalukuyang panahon ng Iglesia o simbahan ng Laodicea na ating kinabubuhayan ngayon. Narito tayo ngayon sa oras na kung saan ang higit sa nakararami ng mga nagsisimba ay sa “nguso lamang” at hindi sa “puso.”

Sa simula, sinabi ko na hindi ko pipilitin na kumbinsihin ang sinuman sa anuman aking sinabi. Gayunpaman, nais kong ialok bilang ebidensya ang talinhaga ng manghahasik na sinabi ni Hesus sa ika-labingtatlong kabanata ng aklat ng Mateo. Kung binasa mo ang kabanatang ito ng maigi, mapapansin mo na tatlo sa apat na tao na nakapakinig ng ipinahayag na mabuting balita, ay tinanggihan ito. Iyon ay pitumput-limang pursyento kahit saan mo ito tignan. Ang sinasabi ko ay tatlo sa apat na tao na pinagpasyahang makinig ng mabuting balita, tinanggihan ito! Ang malungkot na bahagi tungkol dito ay ang nag-uumapaw na karamihan ng mga tao na tinanggihan ang mabuting balita, hindi nalalaman kung ano itong kanilang tinanggihan! Binili nila ang isang kasinungalingan ni satanas at naloko. Sila ay naakay maniwala sa ilang bagay na hindi totoo at sila ay nadaya ni satanas sa pagtanggi sa mabuting balita! Ilagay ang pitumput-limang pursyento na tumanggi sa mabuting balita kasama yaong walang pakialam sa mundo na pakinggan ang katotohanan at makukuha mo ang nag-uumapaw na siyamnaput-pito at kalahati pursyento ng bilang ng mga tao ngayon!

Habang pinagbubulay-bulay ko ang katotohanang ito. Naunawaan ko ngayon ang galit ng Panginoon sa Iglesia o simbahan na katulad ng Laodicea. Naunawaan ko rin ng malinaw ang mga talata ng Kasulatan sa Matthew 7:22-23 na nagsasalarawan kung papaano ang maraming tao ay tatayo sa harap ng Trono sa Paghuhukom na nakiki-usap. “Panginoon, Panginoon, hindi ba’t nagpahayag kami sa iyong Pangalan? At sa iyong Pangalan nagpalayas ng mga demonyo? At sa iyong pangalan gumawa ng maraming kamangha-manghang gawa?” sasabihin lamang ng Panginoon sa kanila, “Hindi kita nakikilala: lumayo ka sa akin, ikaw na gumagawa ng pagsalangsang…

Chapter 10: Ang Marahas na Pagkagising

Sinabi sa akin ng aking bantay na tumayo sa isang banda ng mga Tarangkahan at ipahayag ang aking kaso. Siniguro niya sa akin na papakinggan ng Dios at sasagutin ang aking kahilingan. Habang ako ay nakatayo sa harap ng mga tarangkahan, ang damdamin ng kaligayahan, kasayahan, at kakontentuhan ay sumisinag palabas mula sa Langit. Nararamdaman ko ang init na nilikha nito at habang ako ay nakatayo roon upang ipaki-usap ang aking kaso. Nadarama ko ang kagilagilalas na kapangyarihan ng Dios. Walang sinumang nilalang ang makakayanang tumindig sa Kanyang harapan, kahit pa may isang tarangkahan na naghihiwalay tulad sa akin, na hindi mararanasan ang matinding kapangyarihang, lakas at karangalang ito. Noong una dama ko ay isang takot, parang may salang damdamin na laging nalilikha sa akin kapag naniwala ako na pinangunahan ko ang iba. Sa mata ng aking unawa naiisip ko lamang ang isang abalang Dios na galit sa akin sa pagkuha sa Kanya palayo sa mga importanteng mga bagay. Pagkatapos, kung papaanong bigla dumating ang ganitong damdamin, lumagpas ito. Tapos nakasumpong ako ng lakas o tapang sa aking paniniwala na pinaglingkuran ko ang aking Dios ng may katapatan sa maraming mga taon. Para sa akin, kumbinsido ako na ang kahilingan kong ito ay magiging isang napakabilis!

Matapang akong nagtungo sa harap ng trono at nagpasimula sa pamamagitan ng pagpapaalala sa Dios kung gaano ang isang dakilang buhay ng pag-ibig, pagsamba, at pagsasakripisyo ang aking ipinamuhay para sa Kanya. Sinabi ko sa Kanya ang lahat ng mga ginawa ko pinapaalala ko sa Kanya na ako ngayon ay nahaharap sa suliranin at Siya lamang ang makakatulong sa pagbibigay sa akin ng isang karagdagan sa aking pisikal na buhay. Ang Dios ay napakatahimik habang ako ay nagsasalita. Nang matapos ko ang aking kahilingan, narinig ko ang tunay, malinaw na tinig ng Dios sa Kanyang pagsagot sa akin.

Ang tinig na aking narinig ay hindi tulad ng isang matamis na tinig na ginamit ni satanas dayain ako nang una sa may lambak. Magagawa mong pagsama-samahin ang ingay ng lahat ng mga bagyo, bulkan, ipo-ipo, at mga buhawi at hindi nito sa anumang paraan maihahalintulad sa aking narinig. Ang tunog ng Kanyang tinig ay hindi sa anumang paraan maitulad sa matamis na tinig na sinabi ko noong una. Ang tunog ng Kanyang tinig ay bumaba sa akin mula sa ibabaw ng mga Tarangkahan maging bago pa man ako tamaan ng mga salita. Ang tono ng Kanyang galit ay kumatok sa aking mukha habang pagpapatuloy ang Dios sa pagsabi kung anong uri na buhay ang tunay kong ipinamuhay. Sinabi Niya sa akin kung ano talaga ang iniisip Niya sa akin at maging sa iba pang mga tao na namuhay nang kagaya ko. Tinukoy Niya na ang aking pananampalataya ay PATAY, na ang aking mga ginawa ay HINDI KATANGGAP-TANGGAP, at ako ay nagpagal nang WALANG KABULUHAN. Sinabi Niya sa akin na ito ay isang karima-rimarim na uri ng pamumuhay at pagkatapos mangahas na tawagin itong isang buhay ng pagsamba. Higit pa rito, sinabi Niya sa kanila na gumagawa nito, sila ay namimiligro na maranasan ang Kanyang walang hanggang puot. Habang nakikitungo sa akin ang Dios, ipinakita Niya ang Kanyang galit sa akin. Pansinin, hindi ito ang Kanyang pangwalang hanggang galit. Tunay na Kanyang sinabi na mayroong ilang makararanas ng Kanyang walang hanggang galit o puot.

Hindi ako makapaniwala na Siya ay mangungusap sa akin sa ganitong paraan! Ako’y naglingkod sa Kanya nang mahabang panahon! Ang akala ko namuhay ako ng isang nakalulugod na buhay sa Kanya! Habang iniisa-isa Niya ang aking mga kamalian, sigurado ako na napagkamalan Niya ako para sa ibang tao. Wala nang lakas sa akin na natitira kahit na gumalaw lamang, pano pa ako makakapagprotesta, subalit ako ay natataranta sa aking kalooban. Walang dahilan upang ako ang Kanyang tukuyin! Sa lahat ng mga nakalipas na taon ang akala ko’y ginagawa ko ang lahat ng mga gawain iyon para sa Dios! Ngayon sinasabi Niya sa Akin na ang aking ginawa, ay ginawa ko para sa aking sarili. Maging sa aking pangangaral at pagpapatotoo tungkol sa biyayang nagdudulot ng kaligtasan kay HesuKristo, ginagawa ko iyon para lamang sa aking sarili upang ang aking konsensya ay mapayapa. Sa katotohanan, ang aking unang pag-ibig at unang mga ginawa ay para sa aking sarili. Alinsunod sa AKING mga pangangailangan at mga kagustuhan na makamtan, upang mapayapa ang aking konsensya hahayo ako upang gawin ang gawain ng Panginoon. Ito ang nagpagulo sa aking mga dapat gawin na naging di katanggap-tanggap. Sa katunayan, naging ako mismo ang sarili kong palsong Dios.

Ginawa Niya itong simple sa Kanyang mga katuruan na Siya ay isang selosong Dios at walang ibang mga dios sa Kanyang harapan; laman, bato, dugo, o anu pa man. Hindi Siya magkakaroon ng ibang mga dios sa Kanyang harapan. Sinabi sa akin ng Dios na hindi Niya tinatanggap ang ganitong uri ng pagsamba sa panahon ng mga Pariseo at tiyak na hindi Niya tinatanggap ito ngayon sa panahong ito ng iglesia ng Laodicea. Inilagay Niya ito sa akin na maging simple sa mga pananalita at mga gawa. Upang ang ating mga gawain ay maging katanggap-tanggap, kinakailangan na gumawa tayo ayon sa Kanyang utos sa Matthew 6:33 na kung saan mariin Niyang sinaysay, “Subalit hanapin ninyo muna ang kaharian ng Dios, at ang Kanyang katuwiran; at ang lahat nitong iba pang mga bagay ay idaragdag sa inyo.” Sa pagsabi sa akin ng Dios tungkol sa tunay kong mga motibo, ang talata ng kasulatan sa Matthew 16:24-26 at Luke 14:26-33 ay naging napaka linaw para sa akin. Sa Matthew 16 sinasabi rito, “Pagkatapos sinabi ni Hesus sa Kanyang mga alagad, kung sinumang tao ay susunod sa Akin, hayaan niyang TANGGIHAN ang kanyang sarili at pasanin ang kanyang krus, sumunod sa Akin, sapagkat sinuman magliligtas ng kanyang buhay ay mawawalan nito; at sinuman ang mawalan ng kanyang buhay alang-alang sa Akin ang makakakita nito.” Sa Luke 14 simula sa talata 26 sinabi rito, “Kung sinumang tao ang lalapit sa Akin, at hindi niya kinamuhian ang kanyang ama, at ina, at asawa, at mga anak, at mga kapatid na lalaki at mga babae, oo, maging ang SARILI NIYANG BUHAY din, hindi siya maaaring maging Aking alagad. At sinuman magdala ng kanyang krus, at sumunod sa akin, hindi maaaring maging alagad Ko. Sapagkat sino sa inyo, nagbabalak na gumawa ng isang tore, ay hindi muna mauupo, at tutuusin ang gastos, kung mayroon siyang sapat upang matapos ito?” Sa talata 23 sa parehong kabanata sinabi ni Hesus ang mga sumusunod na salita na siyang panulukang bato ng dalawang bahagi ng kasulatan na sinabi sa nakalipas: “Kaya ganoon din naman, sino sa inyo ang hindi mag-iwan ng LAHAT ng kanyang tinatangkilik, hindi siya puedeng maging alagad ko.

Ngayon lamang habang naririto ako sa Kanyang harapan na pinapagalitan na ang dalawang bahaging iyon ng kasulatan ay naging napakalinaw sa akin sa kanilang tunay na kahulugan. Habang sinasabi sa akin ng Dios ang tungkol sa aking mga TUNAY NA MOTIBO, nakikita kong malinaw sa unang pagkakataon kung papaano ang AKING MGA GAWA ay PATAY. Dahil ipinapakita sa akin ng Dios ang Kanyang galit, hindi ako makatindig o makapagsalita. Walang lakas na natira sa akin na tulad ako ng isang basang basahan na nakahandusay doon namimilipit sa hirap. Tunay nga, mapalad pa rin ako na hindi ito ang pangwalang hanggang puot ng Dios, kundi panandalian lamang na puot. Gayunpaman, sa oras na ito hindi ko alam na ito ay panandalian lamang.

Kinakailangan itong masabi na walang oras habang ako’y kinagagalitan ng Dios na sinabi Niya na ako ay hindi ligtas o sinabi Niya na ang aking pangalan ay wala sa Aklat ng Buhay ng Kordero. Hindi Niya binanggit sa akin ang kaligtasan ni minsan kundi sinaysay lamang ang tungkol sa mga ginawa ko sa pamamagitan ng aking buhay. Sinabi Niya sa akin ang uri ng buhay na aking ipinamuhay ay hindi katanggap-tanggap na buhay para sa isang tunay na Kristyano. Habang sinasabi Niya sa akin ang aking mga patay na gawa, binigyang pansin Niya na mayroon ilang mga tao na hindi ligtas na iniisip nilang sila’y ligtas. Ang mga taong ito ay makararanas ng Kanyang pangwalang hanggang galit. Ginawa rin Niyang napakalinaw sa akin na mayroon doon sa Kanyang mga anak na makikita nila ang kanilang mga sarili sa kasalukuyan kong kalagayan sa Araw ng Paghuhukom. Ito ang kapahayagan sa akin sa tunay na kahulugan ng 1 Corinthians 3:15 na nagsasabi, “Kung ang mga gawa ng siunumang tao ay masunog, magdaranas siya ng kawalan: subalit ang kanyang sarili ay maliligtas; lamang tulad ng dumaan sa apoy.”

Wala roong mga salita na makapagsasalarawan ng kirot na aking dinanas habang ang galit ng Dios ay nasa akin para sa buhay na ito na tinawag na paglilingkod. Ang kirot ay lagpas sa sakop ng imahinasyon at ang pagsisisi na aking naramdaman ay nagdulot ng isang napakabigat tulad ng isang pisikal na bigat o barbel na dumadagan sa akin pababa o ng isang napakalaking bato na bumabasag sa akin. Patuloy akong pahina ng pahina, ang aking isipan ay hindi mapakali sa isang pagnanasang mahawakan kung ano ang sinasabi sa akin ng Panginoon habang binabalikan sa isip ang bawat tunay na insidente. Hindi nag-iwan ng silid para sa kamalian ang Dios at kasama rito ang anumang bagay sa ating mga iniisip.

Ang pagkabigla ay lubhang nakapanglulupaypay sa laki nito na nagdulot ito sa akin ng walang pakiramdam. Ang aking lakas ay dagliang umalis sa akin, para bang ako’y tinamaan ng isang kidlat. Kahit pa tumigil ang Dios at pahintulutan akong magsalita upang magprotesta, hindi ko rin ito magagawa. Wala akong anumang lakas upang magsalita ng anuman. Sa aking isipan, patuloy kong ITINATANGGI ang mali sa aking buhay habang inaamin ang katotohanan na talagang nagawa ko ang mga iyon. Tulog ang aking konsensya subalit ang aking isipan ay HINDI.

Dahan-dahan, nagpasimula ito na ang lahat ay aking natanggap. Tandaan kung papaano sinabi ng Bibliya sa atin na huwag magkaroon ng ibang mga dios sa ating harapan? Naisip ko na ang Kataas-taasang Dios ang Siyang tangging Dios sa aking buhay, subalit hindi ko nagagawa ang bahaging iyon ng kasulatan na nagsasabi sa atin na kung papahintulatan natin ang anumang bagay na sumingit sa pagitan natin at ng Panginoon, (anumang bagay ito) ito ay magiging “Dios” natin. Natanto ko na sa bawat araw ng aking buhay ay nakalaan lamang para sa aking SARILI! Ang buo kong buhay ay haling sa AKING pangangailangan UNA at PAGKATAPOS abala ako kung ano ang nais ng Panginoon. Ang salapi para tulungan ang simbahan, ang mahihirap, o anupaman bagay ay pangalawa na lamang dahil ako ang dios ng SARILI ko. Di nakapagtataka, kontento ang demonyo sa pagpapahintulot sa akin na manatili sa ganoong kalagayan dahil habang ako ay naroon sa ganoong kalagayan, wala akong gamit sa Panginoon at sa Kanyang kaharian.

Pinahintulutan kong mangyari ito dahil hindi ko talaga gusto ang mga bagay ng Panginoon. Lubha itong napakahirap baguhin at kumbinsido ako na puede akong manatili tulad ng dati kahit hindi talaga akong gawin (tulad ng pagsunod sa utos ng Panginoon tungkol sa PAGTANGGI sa aking sarili at pagdadala ng aking krus araw-araw upang sumunod sa KANYA.) Dahil dito, ang aking buhay ay nasayang at humantong sa sakdal na kawalan sa mga mata ng Panginoon.

Ang pag-asa ko na maunawaan ninyo kung ano ito na aking sinasabi dahil ito ang buong paksa ng kabanatang ito. Ang katotohanan ay dapat nating patunayan na tayo talaga ay mga tunay na Kristyano sa pamamagitan muna ng pagsasaliksik ng ating mga motibo sa likod ng bawat gawain sa ating mga buhay, at pagkatapos magsisi at italagang muli ang ating mga sarili sumunod sa Panginoon araw-araw. Kapag nagpasya tayong paglingkuran Siya UNA, ang pagpapasyang ito ay dapat sundan ng GAWA o matutulad ito sa walang kabuluhan na para bagang hindi tayo nagpasyang gawin ito sa unang pagkakataon.

Chapter 11: Aking Tunay na Ama
Nang natapos na ang Dios sa aking pakikipanayam o interview, natapos ito na parang biglang may nagsara ng isang gripo. Hindi ako pinahintulutang manatili o magmuni-muni kung ano ang sinabi ng Dios. Daglian akong dinala ng mga anghel papalayo na parang ako’y isang basang basahan na walang taglay na lakas para sa aking sarili. Lubusang pumanaw, hindi ko man lamang na ipon ang aking mga iniisip.

Dinala ako ng mga anghel pabalik sa Ikalawang Langit, sa paglagos sa sukat sa dingding, at patungo sa silid ng ospital na kung saan nakahiga roon ang aking katawan. Hanggat wala pa sa higaan ang aking katawan nang ibinalik ko ang aking paninindigan. Nang muli kong makamtan ang aking tindig, tahasan kong nireklamo, “Hindi! Hindi!” sinabi ko sa mga anghel, “Hindi ako tinugon ng Dios! Hindi Siya nagsabi ng oo o hindi sa aking kahilingan! Pakisuyo, oh pakisuyo, dalhin mo ako pabalik!” Nagmakaawa ako sa mga anghel.

Ang Dios ay isang Dios ng kaayusan at hindi Diya gumagawa ng anuman pabigla-bigla. Yamang ang lahat nitong karanasan ay pinlano ng Dios, ang mga anghel ay sumunod sa aking kahilingan na dalhin akong pabalik. Nakikitungo ang Dios sa akin nang marahan at may kaamuan sa pamamagitan ng Kanyang dakilang PAG-IBIG nalalaman kung anong karanasan ang mahalaga sa akin upang mahulog ang mga talukap sa aking mga mata.

Sa panahon na ipinakikita ng Dios ang Kanyang galit sa akin, naisip ko na ang galit na ito ay napakahirap at napakasakit. Bandang huli nalaman ko na ito ay bale wala kumpara sa kirot na mararanasan ng mga ligaw kapag tinanggap nila ang Kanyang pangwalang hanggang galit.

Habang pabalik sa Ikatlong Langit, ako’y wala sa aking sarili nagsisikap na makakuha ng isang maayos na dahilan o makatuwirang batayan na kung saan maaari kong ipakiusap ang aking kaso. Sinabi na ng Dios sa akin na ang aking buhay ay isang kabiguan, kaya nga, hindi ko maialok ang aking nakalipas na buhay bilang ebidensya ng aking mga pagnanasa paglingkuran Siya. Kahit papaano o iba pa, ang kaisipan ni Hezekiah ay dumating sa aking isipan. Nang nagpadala ng salita ang Dios sa kanya na ilagay sa ayos ang kanyang tahanan, nanangis siya at nanalangin at dininig siya ng Dios. Dinugtungan ng Dios ang kanyang buhay ng labing-limang taon. Naalala ko mula sa aking pag-aaral tungkol sa kanya na si Hezekiah ay isang “good–old–boy” type, tulad sa akin. Naalala ko kung papaano siya ay mayroong magagandang hangarin sa kanyang puso at kung papaanong nagkaroon siya ng problemang isalin palabas ang mga magagandang hangaring iyon sa pang-araw-araw na pamumuhay. Yamang ito ay tila katulad ng aking problemang tinataglay ko sa aking buhay, natanto ko na nakitungo ang Dios kay Hezekiah batay sa mga hangarin sa kanyang puso.

Sa aking pagdating pabalik sa harap ng Ikatlong Langit, ako ay dinala sa parehong lugar na kung saan ako ay nakiusap noon patungkol sa aking kaso. Hindi na kasing tapang sa pagkakataong ito, naalala ko kung papaanong noong una na napahandusay ako sa sahig dahil sa galit ng Dios. Gayunpaman, humiling ako sa Dios ng isang pabor at hindi sumagot ang Dios. Ninanasa ko ang Kanyang sagot kahit ano pa ito, marahan akong nagsimula makiusap muli para sa aking kaso.

Sa pagkakataong ito hindi ako ginupo ng Dios sa sahig kundi hinayaan akong magsalita. Hindi nangusap sa akin ng pagalit ang Dios kundi nagpasimulang tugunin ako sa isang tinig na may pagka-awa. Bago matapos ang lahat, ang Dios ay nagsasalita ng may kahapisan.

Sinimulan ko ang aking pakiusap sa pamamagitan ng paghayag ng mga kasulatan sa Dios, nagpasimula kong sabihin sa Kanya ang lahat ng tungkol kay Hezekiah. Sinabi ko sa Dios na natanto ko na si Hezekiah ay isang uri ng “good-old-boy” type, na ang mga layunin ng kanyang puso ay dalisay, subalit tila baga hindi niya kayang ipahayag sa pang-araw-araw na buhay ang ganoong mga layunin. Narito ako, isang walang kabuluhang wala at pinakamaliit na nilalang sa lahat ng Kanyang sinukob, nakikipagpalitan ng mga salita sa dakila at kamangha-manghang Dios na Siyang gumawa ng lahat ng ito.

Sabi ko, “Ama, kung pahihintulutan po Ninyo itong aking kahilingan, nangangako po ako sa Inyo na gagalingan kong higit sa susunod.”

Tinugon ako kagad ng Panginoon, “Howard Pittman, nangako ka na dati.” Hindi na kinakailangan pang magsalita ng iba pa ang Dios. Naroon na lahat ang mga iyon, lahat ng mga pangako na ginawa ko sa isang banal na Dios sa buong nakalipas kong buhay. Walang isa man sa kanila nanatiling buo. Kahit papaano, kahit sa anong paraan, nagawa kong sirain silang lahat. Wala na akong masabi pa, wala ng salita sa lahat ng aking bukabularyo, wala na akong pupuntahan, nagpatirapa ako sa aking mga tuhod sa Kanyang harapan. Ang tangi kong masasabi ay “Amen” sa aking sariling kahatulan. Alam ko sa mga oras na iyon na kung naisin ng Dios na ako ay itaboy sa loob ng mga hukay ng impierno, masasabi lamang ito ay “amen” sa aking sariling kahatulan.

Sa mga oras na iyon hindi naghangad ang Dios ng katarungan kundi nagpakita sa akin ng kahabagan. Ang mga takip sa aking mga mata ay nangalaglag at ang aking kaluluwa ay biglang napuno ng liwanag. Yaong makapangyarihan, at kagila-gilalas, tumutupok sa lahat na Dios ngayon ay hindi na nakikita. Doon sa trono nakikitungo sa akin ay ang aking TUNAY na Ama. Ang Dios ay hindi na isang malayong Dios, kundi isang tunay, tapat na Ama. Ang katunayan ng kanyang kalagayan ay aking tunay na Ama at aking matalik na kaibigan dumating sa akin sa unang pagkakataon sa aking buhay. Ang kamangha-manghang relasyon na aking kinagalak sa aking pisikal na ama at ang kamangha-manghang pagmamahalan na aming pinagsaluhan ay bigla kong naalaala subalit higit pa sa isang libong ulit. Sa ngayon ako ay nasa tunay kong Ama, ang isang nagmahal sa akin nang labis na iniwan ng Dios ang lahat ng Kanyang nilalang upang makitungo sa akin, ang alibughang anak.

Sa unang pagkakataon sa aking buhay, nakita ko sa mata ng aking pag-iisip kung sino talaga ang Dios. Sa unang pagkakataon nakatagpo ko ang Dios bilang tunay na kalagayan ng Dios, aking tunay na Ama, ang aking pinakamatalik na kaibigan. Habang ang pagkakilala kung sino ang Dios ay binabaha ang aking kaluluwa, dakila at masakit na kalungkutan ay dumating din. Ang kalungkutan ay dumating nang malaman ko na sa pamamagitan ng pagsuway nasaktan ko ang aking Ama. Ang katotohanang ito at lungkot ay nagdulot ng tunay na kirot na hindi lamang isang dagok sa damdamin kundi tunay na kirot tulad ng nararanasan natin sa laman kapag tayo ay nasusugatan sa nagtamo ng isang pisikal na sugat. Sa oras na ito, nagpasimula ang Dios makitungo sa akin sa kalungkutan at hindi na sa tono ng Kanyang tinig na ipinahahayag sa awa. Kundi, ang tinig ay isang tunay na lungkot. Bigla kong naunawaan na ang Dios ay nasasaktan din. Ang Dios ay nasasaktan dahil ako ay nasasaktan. Bilang isang tunay at matuwid na Dios tulad nga ng Dios, hindi pinahintulutan ng Dios na danasin ko ang kirot at hindi ito maalis ng Dios mula sa akin. Bagaman kinakailangan hayaan ako ng Dios na danasin ang kirot, hindi minarapat ng Dios na danasin ko ito mag-isa. Ang Dios na pinakamataas sa lahat, ang pinakamatayog, ang may Lalang ng lahat, ang Ama ng lahat hindi ako pinahintulutan magdusa mag-isa.

placeb6Sa oras na ito bigla kong naunawaan na ang aking pisikal na buhay ay hindi naman talaga masyadong mahalaga. Kung ano ang aking tunay na inaalala ngayon ay kung ano ang nais ng aking Ama. Ang Kanyang kalooban ang biglang naging unang bagay sa aking buhay at ang aking pisikal na buhay ay hindi na mahalaga. Ito ay nang ibalik sa akin ng Dios ang aking pisikal na buhay. Tanging nang marating ko ang isang lugar na ang aking buhay ay wala nang kabuluhan para sa akin, siya namang ibinalik ito sa akin ng Dios. Ngayong ang alibughang anak ay nagbalik, sa wakas makakapagsalita ang Ama. Masasabi ng Dios sa akin kung ano ang lahat ng dahilanan ng aking paglalakbay sa langit na ang Dios ay may isang mensahe, nais ng Dios na sabihin ko sa mga tao sa mundo.

Chapter 12: Gising!

placeb7Muli kong uulitin para sa iyo punto por punto ang kabuoan ng limang puntong mensahe na ibinigay ng Dios sa akin upang ipahayag sa kasalukuyang daigdig ngayon.

Point Number 1: Para sa kanila na tinatawag nila ang kanilang mga sariling Kristyano, ito ang panahon ng Iglesia ng Laodicea na ginagalawan natin. Isang malaking bahagi ng bilang ng mga tinaguriang mga Kristyano ay, sa katunayan, namumuhay ng isang nalokong buhay. Nagsasalita sila tungkol kay Hesus at naglalaro sa simbahan o iglesia, subalit hindi ito ipinamumuhay. Inaari nilang sila’y mga Kristyano at pagkatapos namumuhay na parang demonyo. Binili nila ang dakilang kasinungalingan mula kay satanas na sinasabing sila ay maayos. Sinasabi sa kanila na tama lamang pumunta sa simbahan sa Linggo at dumalo sa mid-week services ngunit patungkol sa iba pang mga oras na nalalabi, kinakailangan kunin nila ang lahat nang makukuha nila sa buhay. Patungkol naman sa kanilang buhay Kristyano, naniniwala silang sila ay kumportable at wala nang kakailanganin pa at ang resulta, sila ay malahininga lamang na mga Kristyano kung sila ngang lahat ay Kristyano.

Point Number 2: Si satanas ay isang personal na demonyo.

Point Number 3: Para sa buong mundo, ito ang ikalawang araw ni Noah. Gaya ng mga araw ni Noah, ganon din naman sa mga araw ng pagparito ng anak ng tao. Hindi iniisip ng mga tao kung ano ang sinasabi ni Noah o naniwala ang mga tao na ang lahat ng bagay ay malapit nang magbago. Nakikita ng sangkatauhan ang mga ulap ng bagyo sa hinaharap, subalit hindi sila naniniwala na malapit nang bumagsak ang ulan. Pansinin ang pagkakatulad ngayon. Nakikita ng sangkatauhan ang lahat ng mga tanda ng mga huling araw, subalit ang sangkatauhan ay hindi naniniwala na magbabago ang lahat. Hindi siya naniniwala sa papalapit na pagparito ng ating Panginoon at hindi siya naghahanda humarap sa Dios.

Point Number 4: Para sa kanila na inaaring sila ay mga Kristyano, dapat sana sila ay mga kinatawan o ambassador para kay Kristo dito sa mundo. Hindi magkakaroon ng tunay na patotoo ang sinuman o kapangyarihan sa kanyang buhay maliban na ipamuhay niya ang pananampalatayang Kristyano sa lahat ng oras, dalawampu’t-apat na oras sa isang araw, pitong araw sa isang linggo. Upang maging isang tunay na Kristyano, kinakailangan ipamuhay ito ninuman at hindi salitain lamang ito. Parangalan ang Dios ng iyong mga labi at hindi ng iyong puso ay hindi katanggap-tanggap. Sila na tunatanggap ng responsibilidad sa pagtuturo, pangangaral, o anuman sa gawain ng pamumuno ay mas maraming pananagutan.

Point Number 5: Sa ngayon ang Dios ay nasa proseso ng pagtatatag ng isang hukbo na kung saan yayanigin ng Dios itong matandang daigdig minsan pa. Sa pamamagitan ng paggawa sa pamamagitan ng kanyang mga sundalo, lilikha ang Dios ng mga dakilang himala na yayanig sa mga establisadong pamunuan na tinaguriang organisadong relihiyon na nasa daigdig ngayon. Ang mga sundalong ito na ngayon ay isinasali ng Dios ay magpapamalas ng kapangyarihan ng Dios sa isang higit na sukat kumpara sa mga ginawa ng mga alagad noong pahahon ng pentecostes. Ngayon ang pagsasali ay tunay na nagsimula dahil malapit nang ganapin ng Dios ang mga dakilang himala sa pamamagitan ng Kanyang hukbo na ipinangako sa atin ng Dios sa Biblia na gagawin Niya. Dinala ni Juan Bautista ang espiritu ni Elias sa mundong ito at hindi man lamang niya nalaman na taglay niya ito. Itinanggi ito ni Juan, subalit sinabi ni Hesus na siya nga ito na ganoon nga. Ang layunin ng ganoong espiritu ay para gumawa ng mga tuwid na landas sa pagparito ng Panginoon.

——————————————————————————–

“The Alpha and Omega, the Cause of all the universe’s existence was hurting because a mere Earth child was hurting. Oh, what Love! What Understanding! It was so far beyond anything a mere Earthling can understand. Oh how precious just one, little, insignificant Earth child is to that Great God” – Howard Pittman

“Ang Panimula at Wakas, ang Dahilan ng mga pinagmulan ng lahat ng bagay sa sangsinukob ay nasasaktan dahil isang batang nasa Mundo ay nasasaktan. Oh, anong Pag-ibig! Anong Pang-unawa! Ito ay higit pang malayo sa anumang bagay na maunawaan ng isang Tagamundo. O gaano kahalaga ang sadyang isa, maliit, hindi mahalagang bata sa Daigdig at ganoon sa Dakilang Dios” – Howard Pittman

 

Isinalin sa Tagalog ni Rey Araullo
June 07, 2013
FB: Rey Araullo
Email: [email protected]

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.