Langit at Impiyerno By Rev Park, Yong Gyu (Binigay ang lahat ng ari-arian pagkatapos ng kanyang karanasan sa Kamatayan)

Noong 1987, si Reverend Park ay namatay dahil sa high blood pressure. Subalit sa biyaya ng Dios, nadugtungan pa ang kanyang buhay ng 20 taon. Subalit, sa unang apat na taon, dahil sa kanyang kalagayan ay hindi siya makapagsalita. Siya ay 50 taong gulang nang siya ay muling bumalik sa buhay. Nang siya ay patay, ipinakita ng Dios sa kanya ang Langit at Impierno.

Nais kong malaman mo na magdudulot ng maraming sumpa sa iyong sarili kung ikaw ay palalo at mapagmataas. Ako ay nagkaroon ng isang malaking simbahan na may 5000 miyembro subalit ako ay pinalo ng Dios dahil sa aking kapalaluan o kayabangan. Ngayon ako ay may takot na sa Dios. (James 4:6)

Dati may ari-arian akong umaabot sa halagang 150 Million US dollars. Mayroon akong limang luxury cars o magagandang sasakyan. Subalit matapos ang aking karanasan sa kamatayan, ipinamigay kong lahat ang mga ito. Dapat mong alalahanin, ang kaligtasan ay hindi makakamtan sa pamamagitan ng iyong mga pag-aari kundi sa pamamagitan ng pananampalataya. At ngayon ako ay naninikluhod sa mga diakuno, mga matatanda sa simbahan, at sa iba pang mga lider sa kanikanilang mga simbahan na paglingkuran ng buong puso ang inyong mga pastor.

Noong December 19, 1987, habang ako ay nagpapahinga matapos akong mananghalian, nagsimula kong maramdaman ang isang matinding kirot sa dibdib, ito ay napakasakit at dama ko na ako ay mamamatay. Pagkatapos ako ay nawalan ng malay. Nagising ako matapos ang apat na buwan sa kalagayang paralisado, at sinabi sa akin ng aking doktor na ako ay malapit nang mamamatay. Lahat ng bahangi ng aking katawan ay nagkasugat-sugat ng lubha dahil sa aking pagkaparalisa. At hindi pinahintulutan ng aking pamilya ang sinumang miyembro ng aming simbahan dumalaw dahil sa aking kahindik hindik na kalagayan. Pagkatapos ako ay namatay din.

Nang ako ay mamatay, nakakita ako ng dalawang taong pumasok sa aking silid. Subalit pumasok ang mga taong ito sa aking silid sa pagdaan sa dingding. Humiyawa ako, “Sino, sino kayo!! Guguho ang aking bahay kapag ginawa ninyo iyan!!” At sumagot ang isa, “Kami ay mga anghel na bumaba mula sa 2 langit. Kami ay mula sa kaharian ng Dios.” Isang nakasisilaw na liwanag ang lumalabas mula sa mga anghel.

Ipinakilala ng anghel na nasa gawing kanan ko ang kanyang sarili. “Ako ay naglilingkod para kay Jesus sa Kanyang kaharian. Tinawag ako ni Jesus at inutusang bumaba sa Mundo. Inutusan niya akong dalhin ka sa Langit. Patay ka na. Subalit dahil sa iyong pamilya na nananangis dahil sa labis na kalungkutan, ninasa Niya na bigyan ka pa ng ilang panahon upang mabuhay. Subalit sa ngayon, ninasa Niya na ipakita sa iyo ang Langit at Impierno. Ipapakita niya sa iyo at magpapatotoo ka sa mga tao sa Mundo. Nawa mabawasan ang bilang ng mga taong humahantong sa Impierno at dumami ang bilang ng mga taong humahantong sa Langit sa pamamagitan ng iyong patotoo. Ito ang iyong magiging misyon. Sinabihan kami ng Dios na sabihin sa iyo na huwag maantala o mahuhuli. Kung maantala ka, hindi mo makikita ang Langit at Impierno.”

Pagkatapos ang anghel sa aking kaliwa ay nagsabi, “Sa araw na ikaw ay ipanganak at hanggang sa araw na ikaw ay mamatay, kasama mo Ako.” Sa oras na iyon, hindi ko maunawaan kung ano ang ibig sabihin ng anghel. Ngayon nalaman ko na. Siya ang aking anghel dela guardia. Kaya sabi ko, “Hindi ako makasasama! Hindi ako sasama! Ako ay isang pastor! Hindi ko kayang harapin ang Panginoon sa ganitong kalagayan. Nais ko Siyang makita bilang isang malusog na tao. Marahil mas marami akong matatanggap na pangaral kaysa papuri mula sa Panginoon. Ako ay palalo, mapagmataas at ngayon ako ay sinumpa at may sakit. Papaano akong makapapasok sa Langit? Lubha akong natakot. Maaari bang bumalik ka sa Langit at hilingin sa Panginoon na pagalingin ako. Pagkatapos bumalik ka at dalhin mo ako sa Langit sa pamamagitan ng aking panaginip. Maaari bang humiling ka ng habag para sa akin.”

Subalit ang mga anghel ay hindi nakikinig sa aking mga argumento. Inalis nila ang aking kasuotan at sinabing lubha itong marumi upang suotin sa Langit. Tapos sinuotan nila ako ng isang maputing damit. (Zech 3:4)

Hinawakan nila ang aking mga kamay at lumipad kami tuluytuloy pataas sa Langit. Lumipad kami lagpas sa mga ulap at sa aking paglingon pababa, nakita ko ang Mundo napaliit nang paliit. Hinayaan nila akong makalapit sa isang Ginintuang Lansangan. Nakita ko ang isang maningning na kumikinang na liwanag, lubhang napakaliwanag na tignan ng tuwiran. Sabi ko, “Saan nagmumula ang liwanag?” “Ito’y mula sa Langit” tugon ng anghel.

Inisip ko, “Wow! Ito’y malaki!” Nakakita ako ng mga grupo ng tao na nadaramtan ng puting kasuotan na lumilipad sa unahan. “Sino sila?” Aking tanong. 3 Tumugon ang anghel, “Sila ay yaong naglingkod sa Dios ng may katapatan at nagtiwala kay Jesus sa pamamagitan ng pagtugon at pagsunod sa pangunguna ng Banal na Espiritu nang buo nilang puso. Ang kanilang mga katawan ay patay sa Mundo. Sila ngayon ang mga kaluluwa na patungo sa Langit.”

Nagpatuloy ang isa pang anghel, “Mayroong labing dalawang lagusan sa Langit. Kapag ang isang ligtas na kaluluwa ay dumating sa Langit, kinakailangang dumaan sila sa isa sa mga lagusang iyon.” Nakatayo kami sa lagusan sa gawing timog subalit ito’y nakasara. Habang kami ay nagaantay, tinanong ko ang anghel, “Mga anghel, bakit ang lagusang ito ay hindi bumubukas?” Tumugon ang anghel, “Ito ay dahil hindi ka umaawit nang makalangit na pagsamba.” (Psalms 100:4)

Tanong ko, “Mga anghel, ako noon ay palalo at napakayabang at ang nangyari nasumpa ako ng karamdaman. Hindi ako mahusay umawit nang makamundong awit pagsamba. Papaano akong makakaawit ng mga makalangit na awitin yamang hindi ko pa ito napapakinggan kahit minsan?”

Tumugon ang anghel, “Tama ka. Subalit dapat mo pa rin ihanda ang iyong sarili sa pagsamba. Ikaw ay palalong tao subalit maghanda ka sa pag-wait.” Nagpasimulang umawit ang mga anghel. Habang sila ay umaawit, ako ay nagsimulang umawit kasama nila. ito’y naging parang natural sa akin, at kami ay nakapasok sa loob.

Ang tagpo sa Langit at hindi kayang isalarawan. Hindi ko kayang isalarawan ang Langit sa pamamagitan ng aking makalupang salita. Sabi ko, “Panginoon! Maraming salamat po! Kahit na ako ay palalo at mayabang at sinumpa ng isang karamdaman, dinala Mo parin ako sa Langit para ipasyal.”

Pagkatapos narinig ko ang tinig ng Dios, “Ang aking minamahal na Pastor Park, Yong Gyu, Pinapapasok kita. Gumugol ka ng isang mahabang paglalakbay dito.” Ang Kanyang tinig ay nag-uumapaw sa pag-ibig at kaamuan.

Luhaang tumugon ako, “Panginoon,….” Biglang sinabi ng mga anghel, “ikaw ay naging isang pastor sa loob ng 20 taon. Hindi mo ba alam ang iyong mga kasulatan? Walang mga luha sa Langit. Kaya ihinto mo iyan!” Hindi ko na rin makayanan pang umiyak. (Rev. 21:4)

Pagkatapos limang beses akong tinanong ng Panginoon. 1.“Ilang oras ang ginugol mo sa pagbabasa ng Salita (Bibliya)? 2. Magkano ang ibinigay mo sa mga kaloob? 3. Ilang beses kang nag-akay ng mga tao? 4. Ikaw ba ay maayos na nag-ikapu?  5. Ilang oras ang ginugol mo sa pananalangin?”

Hindi ko masagot ang ikalimang tanong. Pinagalitan ako ng Panginoon sa ikalimang tanong.

“Matapos na ikaw ay maging isang pastor ng malaking simbahan, naging tamad ka sa pananalangin. Ang pagiging abala ay hindi katuwiran sa Akin!” Kinakailangan kong magsisi pagkatapos nito. “Ipapakita ng mga anghel ang maraming lugar sa Langit at sa Impierno. Tumingin-tingin ka hanggang gusto mo. Aalis ka matapos mong masaksihan ang iba’t-ibang lugar sa Langit at Impierno.” Subalit hindi pinahintulutan ng Panginoon na makita ko ang Kanyang anyo.

Una akong dinala ng mga anghel sa tatlong magkakaibang lugar sa Langit. Sa unang lugar, nakita ko ang mga maliliit na bata na namumuhay nang sama-sama. Ang ikalawang lugar ay kung saan nakatira ang mga taong may hustong gulang. Ang ikatlong lugar ay kung saan naroroon ang mga kaluluwa na bahagya nang naligtas patungo sa Langit. Bagamat nakarating sila sa Langit, kahiya-hiya silang nakarating dito.

Maraming tao ang nagtanong sa akin kung gaano katatanda ang mga bata roon. Mukha silang mga kindergartens. Hindi sila maliliit na batang lalake o babae na mapagkikilanlan natin ang kanilang kasarian. Ang bawat bata ay mayroong batang anghel na nagbabantay sa kanila.

Sa Langit, kalimitan sa mga kaluluwa ay magkakaroon ng kanikanilang mga tahanan.(John 14:2) Ganunpaman, mayroong ilang walang mga tahanan. Ipapaliwanag ko ito mamaya. Bukod pa rito, ang mga bata ay wala ring kanikaniyang sariling tahanan. Nagtanong ako, “Ang mga bata ay mga kaluluwa rin, bakit wala silang mga tahanan?”

Tumugon ang anghel, “Katulad sa mga tao sa Mundo kinakailangan ng mga materyales upang makagawa ng kanilang mga tahanan, kailangan din namin sa Langit ng mga materyales upang makagawa rito. Kapag ang isang tao ay naglingkod sa simbahan at sa iba ng may katapatan sa Panginoon, yaong mga gawa ay magiging materyales para sa tahanan sa Langit ng isang tao. Kapag ang mga materyales ay naipagkaloob, ang mga anghel na nakatalaga sa bahay ng isang binanal ay magpapasimulang gumawa sa pagtatatag nito. Ang mga batang wala pa sa hustong gulang ay hindi pa nakapag tatag ng anumang materyales para gumawa ng isang bahay. Sa ibang pananalita, hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na makamit ang kanilang mga gantimpala o materyales. Ito ang dahilan kung bakit wala silang mga tahanan.”

Nagpatuloy ako sa aking mga katanungan, “Ano ang dapat kong gawin sa Mundo upang makapag laan ng maraming mga materyales para sa aking tahanan?”

Tumugon ang mga anghel,“Mayroong pitong bagay na kailangang gawin upang magparami ng mga materyales upang ipanggawa ng kanilang mga tahanan. 

Una ay ang pag-iipon ng kanilang pagsamba at papuri sa Dios.

Ang ikalawa ay ang kanilang oras na ginugol sa pagbabasa ng Bibliya.

Ikatlo, ang kanilang oras na ginamit sa pananalangin.

Ika-apat, ang kanilang oras na ginamit sa pagbabahagi ng mabuting balita sa mga tao.

Ikalima, ang kaloob ng isang tao sa Panginoon.

Ika-anim, ang kanilang pagsunod sa mga ikapu sa Dios.

Panghuli, ang kanilang oras na ginugol sa paglilingkod sa simbahan sa iba’t-ibang kaparaanan. Ito ay ang mga gawa ng pagsunod na kung saan ang isa ay makapagtitipon ng mga materyales para sa kanyang Makalangit na tahanan. Kung ang isa ay nagkukulang sa mga bagay na ito, hindi sila magkakaroon ng mga materyales sa paggawa ng kanilang mga tahanan.”

Maraming mga tao sa Langit ang walang mga tahanan. Tunay nga na marami sa walang tahanan ay mga pastor, diyakuno, diyakunesa, mga matatanda sa simbahan, atbp. Nagtanong ako mula sa pagkamangha, “Saan ngayon nakatira ang mga bata?”

Tumugon ang mga anghel, “Sila’y nakatira rito.” Sa pagligid ng aking paningin, sila ay nakatipon sa hardin ng mga bulaklak. Ang hardin ng mga bulaklak ay sadyang napakaganda at ang halimuyak ay wala sa daigdig na ito. Ang tagpo ay lagpas sa kakayanan kong isalarawan sa aking pananalita.

Ang ikalawang lugar ay para sa mga matatapat na may hustong gulang na. Mayroong pagkakaiba sa pagitan ng kaligtasan at mga gantimpala. Ang lugar na ito ay nagtataglay ng maraming tahanan. Ang mga tahanan ay yari sa magagandang mga hiyas at pambihirang bato. Ang ilan sa mga tahanan ay kasingtaas ng mga pinakamatataas na gusali sa Mundo. Yaong mga tao na naglingkod sa Panginoon nang may katapatan noong nabubuhay pa sa Mundo ang kanilang mga tahanan ay yari sa magagandang mga hiyas at pambihirang mga bato. Dito mismo sa lugar na ito, ang lahat ng tao ay nasa gulang na 20 hanggang 30. Walang lalake o babae patungkol sa kanilang mga kasarian. Walang may sakit, matanda, o may kapansanang mga tao.

Minsan ako ay may kakilala na matanda sa simbahan na ang pangalan, Oh, Im Myung. Siya ay namatay sa gulang na 65. Siya ay napakaliit na tao, kasing laki nang nasa grade 2 sa elementarya. Nagdusa siya sa isang kakaibang sakit na ang tawag ay rickets. Gayunman, pagdating sa Bibliya, siya ay isang dalubhasa PhD. Marami siyang naisulat na kumentaryo. Nakadaup palad ko siya sa Langit, at naroon siya matangkad at guapo. Hindi na siya may sakit kundi malusog. Ang Langit ay isang napakamahiwagang lugar!! Ako ay punung-puno ng pananabik! Ipinamamanhik ko na maniwala kayo sa aking mga sinasabi, mga minamahal na tao!

Ang ikatlong lugar ay para doon sa mga bahagya nang naligtas. (1 Cor. 3:15) Ang naturang lugar na ito ay lubhang napakalaki, ilang ulit na mas malaki kaysa sa ikalawang lugar, na kung saan ang mga tahanan ay yari sa mga mamahaling hiyas at pambihirang bato. Matulin akong nakarating sa lugar na ito, sakay ng isang gintong karwahe. Ito ay lubhang napakalayo mula sa ibang magagandang lugar na nakita ko sa Langit.

Tinanong ko ang mga anghel, “Nakakita ako ng isang malawak na kaparangan.”

Nakakita ako ng malalaki at malalapad na mabababang mga tahanan o bahay, na nagpapaalala sa akin ng isang malaking kulungan ng mga manok o uri ng bodega. Ang mga tahanang ito ay hindi maluwalhati, kundi nanlilimahid. Itong baryo at mga tahanan ay para sa mga kaluluwa na bahagya nang naligtas. Mayroong ilang malalaking sukat na mga tahanan na nanlilimahid. Itong baryo na ito ay ilang ulit na mas malakit kaysa sa lugar na tinitirhan ng mga ginantimpalaang mga kaluluwa.

Sinabi ng anghel, “Nakikita mo ba yung dalawang malalaking tahanan, isa duon sa iyong kanan at ang isa naman duon sa iyong kaliwa? ang sabi ko, “Oo, nakikita ko sila.”

Sabi ng anghel na nais niyang ipakita sa akin ang dalawang tahanang iyon. Sabi niya, “Ang bahay sa kanan ay para doon sa mga pastor sa Mundo. Ang nasa kaliwang tahanan ay para doon sa mga matatanda sa simbahan o elders sa Mundo.” At sa pagdating namin doon sa harap ng dalawang tahanan, napansin ko na sila ay magkatulad. Ako ay napanganga. Nang buksan namin ang pinto at pumasok, ang una kong palagay ay, ‘chicken coop’ o kulungan ng mga mankok. Sa halip na libu-libong mga manok ang nakatira sa kanilang kulungan, nakita ko ang mga kululuwa. Binilinan ako ng mga anghel na matyagan kong mabuti dahil makakakilala ako ng ilang mga tanyag na mga pastor sa kasaysayan. Ito’y tutoo nga. Nakilala ko ang maraming mga pastor mula sa kasaysayan. Pinili ko ang isang pastor at tinanong ang anghel, “Kilala ko ang Koreanong pastor na iyon! Alam ko kung gaano siya katanyag at ang kanyang ginawa para sa Panginoon. Bakit siya naririto? Hindi ko maintindihan.” Sumagot ang mga anghel, “Hindi siya naglaan ng anumang materyales para sa kanyang tahanan. Ito ang dahilan kung bakit siya nabubuhay sa isang pangmaramihang tahanan.” Nagtanong ako mula sa aking pag-uusisa, “Papaano ito nangyari? Bakit hindi siya nagkaroon ng anumang materyales?” Sumagot ang mga anghel, “Nang siya ay isang pastor gumaganap sa katungkulan bilang isang pastor, gustung-gusto niya ang mga papuri ng mga tao. Inibig niya ang parangalan. Inibig niyang paglingkuran. Walang sakripisyo o paglilingkod mula sa kanya.” Itong pastor na ito ay talagang pinarangalan sa Korea at isang sagisag sa kasaysayan ng Kristiyanismo sa Korea. Subalit wala siyang gantimpala!!

Kayong mga pastor diyan, paki-usap makinig kayo! Dapat ninyong pangunahan ang mga tao higit pa sa panlinguhang gawain lamang. Dapat ninyo silang dalawin sa kanilang mga tahanan. Dapat ninyong alagaan ang mga mahihirap, ang mga may kapansanan at matatanda. Ang mga pastor na naglingkod na hindi nagsakripisyo ng kanilang mga buhay at inibig ang maparangalan ay walang gantimpala sa Langit. (Matt 23:5-12)

Matapos kong masaksihan ang tanawing ito sa Langit at matapos akong makabalik sa Mundo, daglian kong ipinamigay ang lahat ng aking mga ari-arian kasama ang aking limang mamahaling sasakyan. Ang ating buhay ay panandalian lamang. Sa Bibliya, ang kalimitang sukat ng buhay ay nasa 70 hanggang 80 taon. Nagpasya akong ipamahagi lahat, maging ang aking mga kasuotan. Ang mga taong nakita ko ay nakatamo ng kaligtasan na kahiya-hiya. Sila ay mga pastor, elders, deacons, at mga pangkaraniwang mananampalataya. Mayroon doong laksa laksang bilang ng mga elders at deacons dito sa nanglilimahid na tahanan. Pero siyempre, higit na dihamak na mainam kaysa Impierno. Ganunpaman, bakit nanasain ng sinuman na pumasok sa Langit sa ganoong paraan? Hindi ako hahantong sa ganoong kahiya-hiyang lugar. Maging ang kanilang mga kasuotan ay mga nanlilimahid.

Ano ang mga pamantayan upang ang mga Kristiyano ay makatanggap ng ganoong kagagandang mga tahanan sa Langit? Una, kinakailangan nating magbahagi ng mabuting balita sa abot ng ating makakaya. Papaano tayo magbabahagi ng mabuting balita? Sinabi sa akin ng anghel, “Ipalagay natin na mayroong isang hindi mananampalataya na hindi nakakakilala sa Panginoon. Sa oras na magpasya ka na ibahagi ang mabuting balita sa taong iyon, ang mga materyales para sa iyong tahanan ay ihinahanda na. Habang walang humpay mong ipinapanalangin para sa kanilang kaligtasan, mas maraming materyales para sa paggawa ng iyong tahanan ang ihinahanda. Kinakailangang patuloy na alamin ang kanilang kalagayan, dalawin sila at patuloy ang iyong pagbabahagi ng mabuting balita. Ito’y makapagdaragdag ng mas maraming materyales sa iyong tahanan. Kapag sinabi ng tao hindi siya nakakadalo sa simbahan dahil wala silang maayos na kasuotan, doon kinakailangan ikaw ang magbigay sa kanila ng ilan kasuotan. Kapag sinabi ng tao na wala siyang salamin sa mata para makabasa, kinakailangang ibigay mo ito sa kanila. Kinakailangan mong ibigay kung ano ang makakayanan mo upang ang taong ito ay maakay sa Panginoon. Sila na nakatira sa magagandang tahanan ay yaong nagbahagi ng mabuting balita nang maraming ulit.”

Pagkatapos sinamahan ako ng anghel sa lugar na kung saan ang mga binanal ay nakatira sa maiinam na tahanan. Ito ay kung saan ang mga binanal na nagbahagi ng mabuting balita nang higit nakatira. Pakiramdam ko rito ay tulad ng downtown sa Langit.

Sa kasaysayan ng Kristiyanismo, mayroong apat na tao na nagtataglay ng pinakamalalaki at pinakamagagandang mga tahanan. Ipinakita sa akin ng anghel ang tahanan ng Amerkanong evangelista D. L. Moody, British Pastor John Wesley, at Italian evangelista, at Korean Evangelist Pastor Choi, Gun Nung. Itong apat na taong ito ang may pinakamalalaking tahanan sa Langit. Ang apat na ito ay naggugul ng kanilang buong buhay sa pagbabahagi ng mabuting balita sa mga tao hanggang sa panahon ng kanilang kamatayan.

Sa loob ng mga mananampalatayang Koreano, mayroong isang pangkaraniwang mananampalataya na mayroong isang malaking tahanan. Itong pangkaraniwang mananampalatayang ito ay nagpagawa ng maraming gusali sa pagtitipon sa pamamagitan ng lahat ng kanyang ari-arian. Namahagi siya ng tatong libong sako ng bigas sa mga mahihirap. Palihim niyang tinulungan ang libu-libong mga pastor at mga lider sa pamamagitan ng kanilang mga pananalapi. Tinulungan niya ang mga estudyante nag-aaral ng theologiya o mga nasa Bible School sa kanilang mga pangmatrikula. Ilagaan niya rin ang isang pastor (65 na taong gulang) sa kanyang tahanan at inaruga niyang mabuti. Ang kanyang sariling simbahan ay pinalayas siya.

Narinig ko ang isang anghel, “Ang mga materyales ay dumarating!” Tinanong ko ang anghel na nasa aking kanan tungkol sa mga materyales at sinabi niya sa akin, “Ang mga materyales na ito ay para sa isang diakunesa mula sa isang maliit na simbahan sa malayong bansa. Sa katunayan, tumatanggap siya ng mga materyales araw-araw. Kahit na siya ay isang mahirap, araw-araw ay lagi siyang maaga sa pang umagang gawain. Ipinapanalangin niya araw-araw ang 87 na miyembro ng simbahan. Pagkatapos niyang manalangin, nililinis niya ang simbahan.”

Narinig ko ang isa pang anghel na sumigaw, “Special delivery! Ang anak na babae ng diakunesa ay nagbigay nang kakaunting salaping mayroon siya sa kanyang ina. Ganunpaman, hindi ito ginamit ng diakunesa para sa kanyang sarili. Bumili siya ng limang itlog at dalawang pares ng medyas para sa pastor ng simbahan. Kahit na mukhang maliit na kaloob lamang ito, ibinigay niya ang lahat ng mayroon siya para sa araw na iyon. Ito ay naging espesyal na materyales para sa kanyang tahanan sa Langit.”

Ikalawa, sila na nagtataglay rin ng malalaking tahanan ay sila na nagpagawa ng mga gusali ng simbahan o iba pang mga gusali para sa layunin ng Kaharian ng Dios sa pamamagitan ng kanilang mga ari-arian at kabuhayan.

Sa Langit, naka daop-palad ko rin ang isang elder na nagngangalang Choi. Sa lahat ng mga elder at deacon sa Korea na nasa Langit, siya ang nagtataglay ng pinakamagandang tahanan. Ang kanyang tahanan ay higit na mas mataas sa pinakamataas na gusali sa Korea. Si Choi ay nagtatag ng maraming gusali para sa simbahan sa Korea sa pamamagitan ng kanyang kayamanan.

Tinanong ko ang anghel, “Papaano naman ang aking tahanan? Ito ba ay kasalukuyang ginagawa? Sumagot ang anghel, “Oo, ganun nga.” Nakiusap ako na makita ang aking tahanan. Subalit sinabi nila sa akin hindi ito pinahihintulutan. Nagpatuloy akong nakiusap at matapos ang ilang patuloy na pagsusumamo, sinabi ng mga anghel na papahintulutan na ng Panginoon.

Sumakay kami sa karwahe at naglakbay nang napakalayo sa ibang lugar. Ako’y punung-puno ng pananabik. Nagtanong ako, “Nasaan ang aking tahanan?” Tugon ng anghel, “Ito’y nasa gawi roon!” Subalit ang lugar ay mukha pa lamang isang pundasyon, nakahanda pa lamang na aayusin. Ako’y nanangis ng malakas, “Papaano ninyo ito magagawa sa akin? Papaano ito nangyayari? Papaano ang aking bahay ay nasa gawing inaayos pa lamang? Pagkaligtas ko sa Korean War, ibinenta ko ang aking kaisa-isang tahanan upang gumawa ng simbahan. Ang simbahan na ito ay unti-unting lumago sa limang libong miyembro. Nagsulat ako ng maraming aklat na kinasihan ng Banal na Espiritu. Isa rito ang naging best seller. Mula sa mga kinita ng mga libro, gumawa akong mga Kristiyanong paaralan. Ang paaralan ay nagluwal ng may 240 na pastor. Nang panahon na ako ang dekano, namahagi ako ng mahigit na 400 na scholarship sa mahigit na 400 mahihirap na kabataan. Gumawa ako ng mga tirahan upang may matirhan ang mga balo. Ang lahat ng ito ay nagkakahalaga ng malaking salapi. Kaya papaanong nangyari ito? Bakit ang aking bahay ay nasa lugar na ginagawa pa lamang? Ako ay talagang naiinis!”

Matigas na tumugon ang anghel, “Hindi ka karapat-dapat na tumira sa isang maayos at magandang tahanan na tulad noon sa Langit dahil maraming beses kang pinarangalan ng mga tao. Sa tuwing ikaw ay gumagawa ng mga bagay na maganda, pinarangalan ka ng mga tao. Kahit na ang secular news pinarangalan ka. Kaya nga, ang lahat ng mga ginawa mo ay napasa walang kabuluhan.” (Matt 6:1)

Nakita ko ang aking tahanan sa dakong gawaan. Ito ay nasa gitna ng tatlo pang ibang tahanan. Ito ay mayroon lamang tatlong palapag. Ang bahay ay may maraming maliliit na silid sa unang dalawang palapag. Tinanong ko ang anghel, “Bakit ganuon kaliliit lamang ang aking mga silid?” Tumugon ang anghel, “Ang mga silid na ito ay para sa iyong mga anak na lalake at babae.”

“Apat lamang ang aking mga anak,” Tumugon ako. Sumagot ang anghel, “Hindi, iyon ay hindi para sa iyong mga anak sa Daigdig, kundi para sa mga naakay mo at naligtas.” Gusto ko iyon!

Nagtanong ako, “Nasaan ang aking master bedroom?” Sinabi ng anghel na ito ay nasa bubong. Iyon ay nagpagulo sa akin. “Ito ay napaka liit! Bakit lubha itong napakahirap matapos?” Tumugon ang anghel, “Hindi ka pa naman patay. Hindi pa namin kayang tapusin ang iyong tahanan o mga silid dahil hindi namin alam kung mayroon pang darating na mga materyales. Nauunawaan mo ba?”

Nang pumasok kami sa aking silid, nakita ko ang dalawang certificates na nakasabit sa dingding, kaya lumapit ako upang basahin sila. Ang unang certificate ay nagsasabi nang ako 18 taung gulang nakatira sa isang bahay ampunan. Sa araw ng pasko, ako ay pabalik na galing sa maagang-maagang gawain sa simbahan. Nakakita ako ng isang matandang lalake nangangatog sa daan sa lamig. Kinuha ko ang aking jacket at ibinigay sa kanya. Ang gawang iyon ay nagbigay sa akin ng isang gantimpala sa Langit. Ang ikalawang certificate ay nagsasalarawan nang magkatulad na insidente subalit ito ay sa pagbili ng ilang tinapay sa kakaunting salapi na ipinagkaloob ko para sa matandang lalake. Hindi usapin ang halaga. Ang gawa ay dapat na may kalakip na tunay na pananampalataya. Ang laki ng salapi ay hindi mahalaga.

Iniwan namin ang lugar at pumihit pabalik. Sa aming paglalakbay, ang isa sa mga anghel ay nagtanong, “Ikaw ba ay nalulungkot? Sasabihin ko sa iyo kung papaanong magkaroon ng isang magandang tahanan. Sinabi ng Panginoon sa pagbalik mo sa Mundo, kinakailangan mong sabihin sa mga tao tungkol sa Langit at Impierno gaya nang iyong nasaksihan. Ikalawa, hinahangad ng Panginoon na gumawa ka ng isang lugar para sa mga matatandang babaeng pastor at mga ebanghelista na wala nang ibang lugar na mapupuntahan o matitirhan. Kung tunay mong matapat na gagawin ang mga bagay na ito, magkakaroon ka ng isang magandang tahanan.”

 

Impierno

Inakay ako ng dalawang anghel patungo sa Impierno. Sinabi nila, “Ngayon, bibisitahin mo ang Impierno.” Hindi mo matatanto ang laki ng Impierno. Patuloy akong humihiyaw, “Ito ba’y napakalaki! Ito ba’y napakalaki!” Ito ang lugar na kung saan ang kaluluwa ng mga sinumpa at tumanggap ng pangwalang hanggang kaparusahan ay nakalagay. Pakiwari ko ang Impierno ay isang libong beses ang laki kaysa sa Mundo. Kalahati ng Impierno ay kulay pula at ang kalahati ay napakakapal na itim. Tinanong ko ang mga anghel, “Bakit may bahagi itong kulay pula?

Sumagot ang mga anghel, “Hindi mo ba nalalaman? Ito ay naglalagablab na asupre. Ang iba pang kalahati ay kadiliman. Kapag ang mga tao ay nagkasala at humantong sa lugar na ito, sila ay pahihirapan mula sa magkabilang bahagi…Mayroong laksa-laksang mga simbahan sa Mundo at marami sa mga simbahan ay puno ng mga tao. Ganunman, marami sa kanila ay hindi tunay na mga Kristiyano. Sila ay mga nagsisimba lamang. Ang mga tunay na simbahan ay matibay na nananalig sa Langit at isang Impierno. Ang buhay ng maraming mga Kristiyano ay nasa kaguluhan dahil hindi sila matibay na sumasampalataya sa Langit at Impierno. Kapag ang isang kaluluwa ay pumasok sa Langit, isang libong mga sinumpang kaluluwa ang pumapasok sa Impierno. Ang bilis ng pasok sa Langit sa Impierno ay 1 sa 1000.” (Matt 7:14)

Ang unang lugar na nakita ko ay isang lugar na naglalagablab na asupre. Hindi mo kayang isipin kung gaano kainit ang mga apoy ng Impierno. Walang sinumang makatatagal sa napakatinding init.

Ang mga tao sa Impierno ay sinasabi ang tatlong pangungusap. Una, napaka-init at nararamdaman nilang sila ay namamatay. (Luke 16:24) Ikalawa, sila ay lubhang nauuhaw at pakiramdam nila sila ay namamatay. Ikatlo, napakikinggan mo ang marami na humihingi ng tubig. (Zech 9:11)

Ito ay pangwalang hanggan! Maraming tao ang nagsasabi na malaya tayo kay Kristo at ipinamumuhay nila ang kanilang buhay kung ano ang ibig nila. Tinanong ko ang anghel, “Sila na naririto, ano ang kanilang ginawa?” Tumugon ang anghel, “Ang unang grupo ay mga di mananampalataya.” Sila na hindi nagbahagi ng mabuting balita sa kanilang sariling mga pamilya ay dapat magsisi! Nagpatuloy ang anghel, “Ang ikalawang grupo ay sila na sumampalataya kay Jesus, subalit hindi nagsisi ng kanilang mga kasalanan.” Kinakailangang magsisi tayong lahat sa ating mga kasalanan at dapat ipahayag sa Panginoon. Hindi tayo dapat magkasala. Ang pagbibigay lamang ng paglilingkod sa pamamagitan ng labi ay hindi pagsisisi. Taglay ang isang bagbag at masidhing puso, tayo ay dapat magsisi!

 

Mga Kristiyano sa Impierno

Pagkatapos nakita ko ang maraming mga pastor, elders, at deacons sa Impierno. Tinanong ko ang anghel, “Kilala ko sila. Naglingkod sila sa Dios ng may katapatan nang sila ay nasa Mundo pa. Sila’y namatay ilang panahon na ang nakalipas. Inakala naming lahat na sila ay nasa Langit kasama ang Dios. Subalit ngayon, nakikita ko silang lahat sa Impierno at sila ay nananaghoy na ito ay napakainit! Bakit sila naririto?” Napakaraming mga pastor, elders, deacons at lahat ng iba pang mga mananampalatayang naglingkod.

Sumagot ang anghel, “Pastor Park Yong Gyu, ang isang tao ay maaaring magmukhang tila baga isang tunay na tagasunod ni Kristo sa panglabas subalit alam ng Dios ang puso.

HINDI NILA IGINALANG ANG LINGGO BILANG BANAL. SA KATUNAYAN, INIBIG NILANG GUMAWA NG SALAPI KAPAG LINGGO. (Jer. 17:27) Marami sa mga deacons at elders ang nanlibak sa mga ipinangaral ng kanilang mga pastor. (PS. 105:15) (Num 12:8-9) HINDI SILA NAG-IKAPU NANG MAAYOS. (Malachi 3:9) HINDI SILA NANANALANGIN. Hindi sila kailanman nagbahagi ng mabuting balita sa mga tao. (Ezekiel 33:6) Marami sa mga elders at deacons na ito ay nagpahirap sa kanilang mga pastor at lumalaban sa kanilang kapamahalaan. Nanghimasok sila sa tungkulin at gawain ng pastor. (Num. 16) Sa higaan ng kanilang kamatayan, inakala nila na gumawa sila ng isang mabuting gawain hindi sila nagsisi sa mga ganoong mga bagay. Ito ang dahilan kung kaya sila ay itinapon sa mga apoy ng Impierno.”

Pagkatapos nakita ko ang isang hari at isang prinsipe na mga naunang nagpahirap sa mga Kristiyano sa Korea. Itong haring ito at prinsipe ang nagpapugot sa ulo ng maraming unang mananampalataya sa Korea. Inilagay sila sa gitna, na siyang pinakamainit na lugar sa lahat. Nakita ko rin si Hitler, Stalin, Mao Zedong, at ang isang tanyag na pastor mula sa North Korea na ang pangalan ay Pastor Kang, at isang Japanese hero, at marami pang iba.

Pagkatapos dumating kami sa isang lugar na sobrang dilim, lubhang napaka dilim upang makita kung saan hahakbang. Sumigaw ako, “Mga anghel! Mga anghel! Ito ay sobrang dilim! Papaano ako makakakita ng anuman?” Tinapik ng mga anghel ang aking balikat at sinabi, “Maghintay ka lang nang ilang saglit.”

Sa loob ng ilang saglit, nagawa kong makita ang hindi mabilang na taong nakahubad. Lahat sila ay may mga gumagapang na insekto sa lahat ng bahagi ng kanilang mga katawan. Walang puwang kahit konti habang ang kanilang buong mga katawan ay lubusang nababalutan ng mga insekto. Ang mga taong nakahubad ay sinikap na itaboy papalayo ang mga insekto, nagngangalit ang kanilang mga ngitpin. Tanong ko, “Ano ang ginawa ng mga taong ito habang sila ay nabubuhay sa Mundo?”

“Sila yaong nanlibak at nanaksak sa likod ng bawat isa. Hindi sila maingat kung ano ang dapat nilang sabihin sa bawat isa.” (Matt 5:22) Nakita ko ang mga demonyo tinutusok at sinasaksak ang mga tiyan ng mga tao sa pamamagitan ng mga karet. Ang kanilang mga paghiyaw ay hindi ko makayanan. Tinanong ko ang aking kasama, “Mga anghel, ano ang ginawa ng mga taong ito habang sila ay nabubuhay sa Mundo?

“Ang mga taong ito ay may mga hanap-buhay, mga bahay, at mga pamilya subalit hindi sila nagbibigay sa Dios. Hindi sila tumutulong sa mahihirap, sa kanilang mga simbahan, o sa iba pang makadios na mga layunin. Sila ay napakadamot at ganid. Kahit na makasalubong nila ang mahirap, binabaliwala nila at hindi nagmamalasakit. Ang sarili lamang nila ang kanilang inaalagaan at ang kanilang mga pamilya. Sila ay nadaramtan ng maayos, busog, at nagtataglay ng isang kumportableng pamumuhay. Ito ang dahilan kung bakit ang kanilang mga sikmura ay tinutusok dahil ang kanilang mga tiyan ay puno ng kaswapangan.” (Proverbs 28:27)

Ito ay isang nakatatakot na tagpo. Matapos masaksihan ang ganoong tanawin, nang ako ay bumalik sa Mundo, ipinamahagi ko ang lahat ng aking salapi at mga ari-arian sa iba. Ang kaligtasan ay hindi makakamtan sa pamamagitan ng salapi o pag-aari. Ito ay sa pamamagitan ng pananampalataya. Ang Impierno ay napakahirap at mapanglaw na lugar. Ito ay pangwalang hanggang paghihirap!

Nakita ko rin ang mga tao na kung saan ang kanilang mga ulo ay tinagpas sa pamamagitan ng napakatalim na lagare. Tinanong ko ang anghel, “Ano ang ginawa ng mga taong ito upang kamtan ang ganoong karimarimarim na parusa?” Ang anghel ay tumugon, “Ang kanilang mga utak ay ibinigay ng Dios upang mag-isip ng mabuti at mga bagay na kapakipakinabang. Subalit ang mga taong ito ay nag-isip ng mga bagay na malalaswa. Inisip nila ang mga bagay na mahahalay.” (Matt 5:28)

Sunod nakita ko ang mga tao na sinasaksak at pinuputol ng pira-piraso. Ang tanawin ay nakakagimbal. Nagtanong ako, “Ano naman ang tungkol sa mga taong ito? Ano ang kanilang ginawa upang pahirapan sa ganoong paraan?” Tumugon ang anghel, “Sila ay mga elders at deacons na hindi naglingkod sa kanilang mga simbahan. Sa katunayan, hindi man lamang nilang ginustong gumawa at maglingkod! Ang tanging mga bagay na gusto lamang nila ay tumanggap at tumanggap mula sa kawan.” (Zech 11:17) (Hosea 6:5)

Nakita ko ang mga elders, deacons, at iba pang mga mananampalataya na pinapahirapan ng mga demonyo. Ang mga demonyo ay gumagawa ng isang butas sa kanilang mga dila at nilalagyan ng mga alambre patungo sa mga dila ng bawat isa. Pagkatapos kinakaladkad ng mga demonyo ang mga tao taglay ng alambre. Nagtanong akong muli, “Ano ang ginawa nila sa Mundo?” Tumugon ang anghel, “Gumawa sila ng apat na magkakaibang anyo ng kasalanan. Una, nilibak nila ang kanilang mga pastor. Nangungusap sila ng mga negatibong bagay tungkol sa kanilang mga pastor. Talikuran nilang sinisiraan at tinatawanan ang kanilang mga pastor.” (James 3:6) (Matt 12:37)

Nagsusumamo ako sa kanila na nakagawa ng ganoong uri ng mga gawain na MAGSISI, MAGSISI!!

Nagpatuloy ang anghel, “Ikalawa, ininsulto nila ang simbahan nang kanilang mga salita. Niligalig nila ang ibang mga Kristiyano sa punto na maging ang mga matatapat ay nangaapektuhan at hindi na sila dumalo sa simbahan at naging sanhi rin sa iba na huminto sa pananampalataya. Ginawa nila ang lahat nang kanilang magagawa upang huminto ang mga matatapat na Kristiyano mula sa paggawa sa gawain ng Dios. Itong mga masasamang ito ang naging sanhi ng pagkatisod ng maraming matatapat. Panghuli, mayroong mga mag-asawa na umiinom ng alkohol at abusado sa miyembro ng kanilang mga pamilya.”

Nakita ko ang mga demonyo na tinutusok ang mga lalake at babae sa kanilang mga sikmura sa pamamagitan ng isang napakalaking matalas na pako. Nagtanong ako, “Ano ang kanilang ginawa?” Sumagot ang anghel, “Sila ay mga lalake at babae na namuhay kasama ang isa’t-isa subalit hindi magasawa. Sila ay nagkasala sa mga pagpapalaglag kapag sila ay nangabubuntis. Hindi sila kaylan man nagsisi.”

Nakita ko ang iba pang grupo ng mga tao. Hinihiwa ng mga demonyo ang kanilang mga labi tulad sa manipis na paghiwa ng karne o mga gulay. Tanong ko, “Bakit ang mga taong ito ay pinahihirapan sa ganoong paraan?” Sumagot ang anghel, “Sila ay mga anak na lalake, anak na babae, mga manugang na lalake, at mga manugang na babae na sumasagot sa likuran ng kanilang mga magulang. Ang tanging dapat lamang nilang gawin ay sabihing, ‘I’m sorry’ sa halip na gawing malala ang mga bagay-bagay. Marami sa kanila ay gumamit ng mga abusadong pananalita. Nilabanan nila ang kanilang mga magulang taglay ang masakit na pananalita. Sila’y mga rebelde. Ito ang dahilan kung bakit hinihiwa ang kanilang mga labi.”

Mga kapatid, lahat tayo ay mamamatay balang araw, subalit hindi natin alam kung kailan ito mangyayari. Pakiusap (Please) maging handa. Ang pagiging handa ay sa pagpunta sa Langit. Hindi na issue kung kailan tayo aalis. Paki-usap, magpatawaran kayo sa isa’t-isa sa tuwing kinakailangan kung kailangan mo. Magsisi at magsisi at gawin ito nang buong araw kung kinakailangan mo.

Aking minamahal na kapatid, dati ay hindi ko pinapansin ang ganoong uri ng mga patotoo. Ako ay isang conservative Presbyterian pastor na binabaliwala ang ganoong mga bagay. Subalit ngayon, kinakailangan kong sumaksi at magpatotoo sa iyo sa kung ano ang aking nakita. Pakiusap huwag mag-atubili na mamuhay ng isang banal na pamumuhay. Pakiusap iwasan ang malungkot na pagdurusa at kahatulan. Maligtas! Huwag mamuhay para sa iyong laman kundi magpasakop sa Kaharian ng Dios. Pakiusap manalangin para sa kanila na hindi nakakakilala kay Jesus. Magbahagi ng mabuting balita at mamunga. Paki-usap laging manalangin ng maaga at ibilang na banal ang araw ng Linggo. Pakiusap mag-ikapu ng maayos sa Panginoon. Magtipon ng iyong mga gantimpala sa Langit at hindi sa mundong ito. Idinadalangin at pinagpapala kita sa Makapangyarihang Pangalan ni JESUS!

English Version Of Heaven & Hell by Park Yong Gyu

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.